Lantis
Kakatapos lang ng second set namin ng banda at nagkayayaan kaming uminom na muna sa bar bago umuwi.
"Miss you too honey. See you tomorrow" napatingin ako kay Darren na may kausap sa phone. I bet si Brea yan. Buti pa sila taken na sa friends ni Stam. Samantalang ako tss never mind.
"May broken hearted dito pare. Wag mo namang ipaglakasan hahahah" malakas na tumawa si Doyp.
"Wag kang mayabang hindi ka pa rin taken hahahaha" mapang-asar na ganti ni Sacho saka uminom ng beer.
"O sopla ka pare! Kaya wag mo kong asarin, Doyp!" I retorted.
"Oi malapit na kong sagutin ni Marie noh! At least. Di gaya mo zero hahaha"
Nagtawanan na silang tatlo. Badtrip lang ah. Sige ipamukha pa sakin. Mga walang kwentang kaibigan! Tsk. Tinungga ko na lang ang bote ng beer sa harap ko at di na sila pinansin.
"Pero pare. Mahal mo na ba?" may pagkaseryosong tanong ni Doyp.
"Dati pa naman diba? Para namang di mo alam"
"Hirap nyan pre. Nahanap mo nga yang kababata mo pero hindi na ikaw ang mahal. Saklap naman! Hahaha" binato ko ng chips si Darren pero tumawa lang lalo.
"Yun na nga eh. Di na nga nagawang mag girlfriend ng seryoso kakahintay kay Stam nya hindi rin naman pala ukol. Patay tayo dyan hahaha" binato ko din ng nachos si Sacho.
Alam kasi nila dati pa na hinahanap ko si Stam kaya hindi ako seryosong makipagrelasyon. Flings lang ang meron ako kakahintay sa kanya. Nakita ko nga sya pero may mahal ng iba.
"Hoy Sacho leader pa rin natin si Lantis kaya igalang mo ang feelings nya!"
"Ah sige dapat lagyan ng po at opo ang pang-aasar sa kanya! Hahahaha"
"Mga siraulo!"
*****
Starr
Kinuha ko ang scrapbook mula sa box na maingat na nakatago sa pinakailalim na drawer ng desk ko. I flipped to a blank page and write a text.
Thank you, Tres. For coming into my life again when I needed you most.
Marami pa kasing blankong pages ang scrapbook dahil sa biglang pag-alis ni Tres noon kaya hindi na nadagdagan ang memories namin together. Okay lang dahil nandito na naman sya para punan ang mga natitirang pages ng scrapbook na to.
Inisa isa ko ulit tingnan ang mga nilagay ko noon. Hindi ko maiwasang mapangiti habang binubuklat at inaalala ang mga magagandang pangyayari samin nun. Ngayon ko lang ulit to natingnan at gustong gusto kong maalala na ng mga panahon na to masaya pa ko. Walang masakit na past, buhay pa si kuya Shaun, mahal pa ako ng parents ko at higit sa lahat wala pang Jared na bumago sa tahimik kong mundo.
"But I won't ever regret to meet someone like you, Jared. Kahit masakit magmahal ng tulad mo pakiramdam ko hindi ako magiging buo kung hindi kita nakilala, kung hindi kita minahal. You still bring out the best in me"
Tama si Tres. I can smile around him but Jared still manage to bring out the best smile I could ever give. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa kama nang magring to at sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Hi Stam!)
"O Tres. Tapos na gig?"
(Yup. Pauwi na kami)
(Ayiiiieeee!)
Narinig ko sa background ang panunukso ng kabanda nya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...