Starr
After lunch, wala paring pinagbago ang araw ko. All were so mean to me. Nabaligtad na ba ang mundo? I'm now tamed and they become bitches. Seriously, nakakairita na!
"What's wrong with these people?? Kung wala lang talagang rehearsal ngayon, I won't tolerate all these shits!"
Sumandal na lang ako sa katawan ng puno na paborito kong tambayan sa may soccer field. Mabuti pang magpalipas ng oras mag-isa kesa kultihin ko pa ang utak ko sa mga nababaliw na estudyante dito. I was about to close my eyes ng mahagip ko si Kihan na papunta sa mismong field. Agad akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya.
"Kihan!" halatang nagulat pa sya sa biglang pagsulpot ko sa harap nya. I smiled. "Let's play! Namiss ko to eh!" sabay hablot ng soccer ball sa kamay nya. Agad naman nyang binawi ang bola habang seryosong nakatingin sakin.
"Ayoko. Amarie, can you just leave me alone for now? I want to play by myself. Ayoko ng istorbo sana"
"Kihan, ano bang sinasabi mo? Kailan pa ko naging istorbo sayo? Haha kaw talaga. Wag mong sabihing nakikisali ka pa sa prank nila sakin?"
"Anong prank? Kakapasok ko lang ngayong tanghali kaya wala akong alam dyan sa sinasabi mo"
"Huh? Then why are you acting like this?" nawala na ang kaninang ngiti ko at seryoso nang nakatingin sa kanya.
"Amarie, I'm just asking for a space away from you. Akala ko kasi okay na eh. I just need you to stay away from me. Forgive me for my choice of words but can you just get out of my life for the meantime? Ang sakit lang kasi na nandito ka nga sa tabi ko pero hindi mo naman ako kayang mahalin. Wag ka naman sanang manhid, Amarie"
Mahinahon lang ang pagkakasabi ni Kihan pero kahit na ganun ang sakit parin pakinggan. Nag-iwas lang sya ng tingin sakin kaya napayuko na lang ako and before I knew it, hindi ko na pala napigilan ang pagpatak ng luha sa mata ko. Nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong natigilan sya na makita kong umiiyak.
"Ang manhid ko ba? Hindi ko naman siguro kasalanan na magmahal ng isang tao lang, Kihan. Akala ko last na si Chase. Pero eto na naman ako, iiwan na naman ng taong nagsabing mahal nya ko" I harshly wiped my tears. Mapait akong napangiti kay Kihan na nakikita kong nasasaktan din na makita kong ganito.
"Amarie, it's not--"
"Ang sakit sakit maiwan, Kihan. All the people I cared about are leaving me one by one. My brother, my parents, my friends, si Jared and recently si Chase. Now it's you. Sooner or later even Lucio. Bakit ang dali dali lang para sa inyong iwan ako?"
Hindi ko na naman napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha. Agad akong tumingala para pigilin ang tuloy tuloy na pagpatak nito para lang matigilan ng talikuran ako ni Kihan.
"I'm sorry, Amarie. Alam kong mapapatawad mo rin ako for leaving you like this. I just want you to be happy"
Naiwan akong mag-isa sa gitna ng soccer field. Hindi ko na alintana ang mataas na sikat ng araw. Buti na lang kahit papano mahangin. Gulong gulo na ko for having such a painful day.
"Damn. I feel crap right now"
Napagdesisyunan kong wag ng pumunta sa dress rehearsal ngayong hapon. Sirang sira na kasi ang araw ko at paniguradong wala rin akong matinong gagawin sa rehearsal kung sakali kaya minabuti kong umuwi na lang. Nasa may gate na ko ng magring ang phone ko.
"Hello?"
"Hi my angel! May klase ka pa ba? May ipapakita kasi sana ko sayo eh" masigla ang boses ni Tres sa kabilang linya kaya naman for the first time today I feel relieved for real.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Roman pour AdolescentsTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...