Tame #72

2.4K 49 3
                                    

Starr

"Be my girl, my princess" iniisip ko pa lang ang mga sinabi nya kung hindi ba ko nagkamali ng dinig nang agad syang magsalita. "Forget it. I shouldn't have said that" napatitig na lang ako sa mga mata nyang hindi na makatingin sakin. "Kalimutan mo na ang sinabi ko. This is not the right time. I don't wanna hurt--"

"...her?" gulat na napalingon sya sakin. "Ayaw mo syang saktan pero sakin okay lang na masaktan ako ng paulit-ulit? Hanggang kailan ba ko kailangang maghintay sayo, Jared? Bakit kailangan mo na naman akong paasahin after all this time?"

"I-I'm sorry"

"Sorry na naman? Bakit ba kasi naimbento pa ang salitang yan kung nakakasakit lang din naman"

"Can you wait for me, Starr? Can you hold on to me a little longer? I promise that this will be the last time. Please, just a few more days" hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "Don't let go of my hand, Starr. Don't give up on me now"

I saw sincerity in his eyes. Sinasabi ng puso ko na sige umasa pa ko ulit dahil baka this time posible na ang salitang kaming dalawa but my mind was against it.

"I can't promise you that, Jared. My heart is getting weary each day I spend with you" tumayo na ko. "I appreciate everything you've done today from the bottom of my heart. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to. At least even just for a day, I feel like a princess who own you as my prince"

"Starr..."

"I have to go" agad na tumayo si Jared.

"I'll bring you home"

"Hindi na kailangan, Jared. I have some personal things to take care of too"

Pag-uwi ko sa mansyon, nagpalit lang ako ng damit dahil tumawag si Lucio at nagpapabili ng cake. Dumaan ako sa cake shop na favorite nya bago dumeretso ng ospital. Kaya pala sya nagpapabili ng cake kasi alam nyang birthday ko.

"Happy Birthday, Mommy Starr" binigyan nya ko ng matunog na halik sa pisngi pagpasok ko sa kwarto nya.

"Thank you, baby"

"Nag-enjoy ka po ba sa date nyo ni Daddy Jared?"

"How did you know that?"

"Dumaan po kasi sya dito kanina. Hinahanap ka po. Kaya nga behave ako dito kasi alam kong magkasama kayo ni Daddy Jared. Magiging masaya ang birthday mo, mommy" tinuro ni Lucio ang couch na may nakaopen na box. May malaking remote controlled airplane sa loob. "Bigay po ni Daddy Jared yung plane kanina. Ang ganda nga po eh. Kaso di ko po mailabas kasi mapapagod daw po ako sabi ni Tita Marcia"

"We can play tomorrow, baby. Promise"

"Mommy Starr, thank you po sa lahat ha?"

"Oh para san naman yan? Sa paglalaro bukas o dito sa cake?"

"Uhm sa lahat na po. Saka kasi po, you took care of me kahit hindi mo naman ako totoong anak"

"Hey baby, you're my son. Diba nga Velasco ang surname mo?" ginulo ko ang buhok nya tapos niyakap nya ko ng sobrang higpit. "What's wrong, baby?"

"Wala lang po Mommy. Mamimiss lang kita"

"Lucio..."

"I love you, Mommy Starr. Ikaw ang pinaka the best mommy sa buong mundo. Mahal na mahal talaga kita sobra. Buti na lang nagpahila ka sakin kakkwento ko sayo nung matagal ka pong natutulog sa ospital. Kung hindi, wala siguro kong mommy na kasing ganda mo"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon