Starr
Hininto ko ang Aventador sa open parking grounds ng DVU. Kita ko pa ang paghinto ng mga estudyante na nasa paligid ng makita ang kotse ko. Para namang ngayon lang nakakita ang mga to ng sportscar. Mayayaman ang mga nag-aaral dito pero wala akong nakikitang sportscar sa paligid aside sakin. Oh well, I really like being different. Naghihikab pa ko ng lumabas ng kotse at naglakad. Ayoko pa sanang pumasok pero kailangan. Inumaga na nga ako ng uwi dahil binantayan ko pa si Lucio magdamag.
Imbes na dumerecho sa klase ko, nagtuloy ako sa pinakalikod na bahagi ng school. Halos bakod na lang ang pagitan nasa labas ka na. Tinatamad talaga kong pumasok. Isa pa late nadin naman ako kaya wag na lang. Kung bakit naman kasi kailangang ko pang pasukan ang kursong hindi ko naman gusto. Ngayon ko pa talaga nakuhang magreklamo kung kelan graduating na ko. I'm currently in my fifth year sa course na engineering. Nasa arts nga kasi ang puso ko.
I wanted to take fashion design pero gusto ni devil na mag engineering muna ko bago ko gawin ang gusto ko which I know will never happen. Sawang sawa na nga ako dahil seven years na kong nag-aaral. Beat that. Ewan ko na lang kung may makaisip pang nagbibiro ako. I was only turning sixteen ng mag-aral ako so dapat twenty graduate na ko. Maaga akong nag-aral kaso these past two years lagi akong nakikickout. Kaya nga galit na galit sakin yung babaeng yun dahil di pa ko grad hanggang ngayon.
Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo at nagsmoke pampalipas oras. Naupo ako sa isang wooden chair na nakatambak lang sa likod saka naupo sa may desk nun. Kung may tutulugan nga dito baka natulog nalang ako. Ang boring talaga kapag nasa school.
"Bawal magsmoke sa school ah. Alam mo ba yun?" akala ko may guard na nakahuli sakin pero di naman ako natakot or whatsoever. But I'm not saying it's a good thing that this Third caught me.
These days, hindi na ko nagugulat sa lumiliit naming mundo ni Red at ng mga kaibigan nya.
"Alam ko. Kaya ko nga ginagawa eh" nag-iwas na ko ng tingin sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagclick ng lighter sa tabi ko which means nagsmoke din sya.
"Baka magkasundo tayo nyan. Don't you think?"
"Di na. Ayoko ng maraming kakilala"
"Wow. Ngayon lang may tumanggi saking babae ah hahaha. Oh well, hindi pa ko nasanay. Simula naman ng makita ko ang isang babaeng nasa Downtown daw na tumawag kay Kysler na isang demon, alam ko ng iba ka. Nakakapanibago lang ang tulad mo sa mundo namin"
"Tinanong mo ba ko kung gusto kong maging parte ng mundo nyo?" tipid lang syang ngumiti sakin.
"Bat nga pala ngayon lang ata kita nakita dito sa school? It's been a week since the start of school year"
"Wala lang"
"Hindi mo ba hahanapin sakin si Uno?"
"Why should I? Is he that important to me?" inapakan ko ang sigarilyo sa lupa at tumingin sa malayo.
"Bakit hindi ba? Sumama ka nga sa kanya that night. Don't tell me you're not attracted to him?"
"I was just bored. He's just one of those random guys I met which I will get passed through later on" naramdaman ko ang saglit nyang pananahimik kaya nilingon ko sya. "Bakit nasaktan ka ba sa sinabi ko?"
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...