Starr
"Okay lang di na kita mahahatid sa room, Amarie?" napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. Kakabalik lang namin ng school galing sa pagkain ng ice cream sa labas. I'm so full.
"Oo naman. Hindi na po ko bata nuh? You should go. Mukhang importante. Kaso pano yan di ka papasok?"
"Oo eh. Pinapauwi lang ako ni Papa sa bahay. Importante lang. Kaw na bahalang magsabi sa prof natin"
"Sure. Ingat sa pagdrive"
Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan bago ako pumasok ng gate. Habang naglalakad ako, napansin ko ang mga estudyante na parang may pinag-uusapan na nakakakilig. Mukha kasi silang kinikiliti habang naghahampasan. May artista ba?
Nagshortcut na lang ako dahil sa mainit na ang sikat ng araw. My heart skipped a beat ng matanaw ko si Jared sa Arts Bldg kasama ang mga kaibigan nya. Kaso sana pala tiniis ko na lang ang hapdi sa balat ng init ng araw kaysa naman mahapdi sa puso.
Nakatanaw kasi sya kay Fia na nakaupo sa may bench habang mukhang may dinodrawing sa isang sketch pad. Binalik ko ang tingin kay Jared. Kailan kaya nya ko titingnan sa ganung paraan? Nagtama ang mata namin ni Third pero nag sshh sign lang ako para manahimik sya. Lumiko na lang ako sa may kanan patungo sa likod ng Arts Bldg para hindi nila ko makita.
Dumaan muna ko sa locker area to get some things ng mapatingin ako sa katabi kong locker. Binuksan ko dahil wala namang mga susi ang lockers dito. Napangiti ako saka sinarado bago dumeretso sa room.
"Gosh ang gwapo nya noh? Bat daw nandito?" unang bumungad sakin pagpasok sa room ang usapan na yun ng ilang mga babae sa may pinto.
"Hindi ko na narinig eh. Pero sikat daw. Pinagkakaguluhan kaya sa may parking lot pagdating!"
"Dami ngang nagpapapicture eh. Sino kaya pinunta nya dito?"
"Ewan. Pero ang nasagap ko taga kabilang school daw sya grad. Ano naman kayang ginagawa nya dito?"
Siguro yun din yung pinag-uusapan kanina sa may gate. Dumeretso ako sa upuan sa may likod. May seating arrangement kasi kami sa subject na to. Yumuko na lang ako sa table ko kaso ang ingay ingay nila. Pwede namang pag-usapan ng hindi ganyan kalakas.
Maya maya naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero di ko na pinansin. Si Jared ang nakaupo sa tabi ko pero simula ng iwasan nya ko, nakipagpalit na din sya ng upuan. Wala naman magawa yung prof namin dahil sila ang may-ari ng school. After ten minutes kong pagkakayuko, nag-angat ako ng ulo saka nag-inat. Nakakangawit talagang matulog ng nakaupo.
"Oh God!" naibaba ko agad ang kamay ko ng makita si Jared na nakaupo sa tabi ko. "Bakit ka nakaupo dyan?"
"This is my seat"
"Oo nga. Pero diba nakipagpalit ka?"
"She took her seat back" bale wala nyang sagot.
"Ah" nasagot ko na lang. I wonder how can she say she's taking her seat back from him? "Ah oo nga pala!" napatingin sya sakin at napakunot ang noo. "Uhm Jared, anong balak mo sa sem break?" two weeks na lang kasi sem break na.
"Wala"
"Gusto mo sumama samin mag outing?"
"Pwede wag mo kong kausapin?" nakasimangot nyang sabi kaya napasandal na lang ako sa upuan ko. Ang sungit tsk. L
"Malamang kung si Fia mag-aya sa kanya payag agad yan" para naman akong natauhan na nanlaki ang mata habang parang robot na lumilingon sa gawi nya. "Peace"
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...