Starr
Madilim na ng lumabas kami ng mall. Hindi namin namalayan ang oras. Nag-aya si Jared na maglakad muna kami sa park.
"Pwede ba wag ka muna umuwi? Ayoko kasing mag-isa muna sa bahay"
"Bakit nga ba parang napaka dull ng bahay nyo? Kahit hindi ako nakapasok sa mansion nyo it felt like there's something missing. Parang walang buhay"
"Only child kasi ako. Madalas wala ang parents ko. Alam mo na, the typical business people. Puro business. That's why I get too attached to her"
Hindi talaga pwedeng maiwasang mapag-usapan si Fia no?Sa kanya parin umiikot ang mundo ni Jared kahit pa tulungan ko syang pansamantala syang kalimutan. Oo nga pala, sya mismo ang mundo nya. Kelan kaya magiging ako naman? Hindi na lang ako nagsalita. I simply listened to him, talking about her. Even if it hurts.
"Alam mo ba, ako ang pinakahearthrob sa school at kahit san ako magpunta. Syempre I have the looks, mayaman lahat na haha"
"Okay?"
"Haha. But seriously, I'm every girl's dream. Ewan ko nga sayo bat di mo makita yun" tumingin sya sakin. "Anyway yun nga I have everything pero pagdating sa kanya, ang hirap. We hated each other. Nag-aasaran. Pikunan. Then one day I realized that I'm already falling for her. Pero di ko alam kung pano ko sisimulan. So I ended up giving her a bouquet of flowers in front of the whole school. They witnessed how our love story bloomed. Ang saya ng mga panahon na yun"
Hindi ko padin alam kung anong ire-react ko. Ano bang dapat kong sabihin? Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Kaso sabi mo nga not all good things last. Kasi eto kaki ngayon walang happy ending. Ako nandito kasama ka habang sya ayun kasama ang taong pakakasalan nya"
"It always ends with a happy ending. I believe in that, Jared. If right now you're not yet happy, maybe it's not yet the end. Minsan kasi yung pinapangarap natin akala natin yun na. Hindi naman tayo ang magpaplano nun. Baka may iba syang happy ending para sayo"
"Minsan kasi parang ayaw ko ng maniwala na magiging masaya ko afterall. Kasi yung alam kong nag-iisang kaligayahan ko hindi na hawak ng mga kamay ko"
Mas masakit pala yung nandito ka nga sa tabi ng mahal mo pero kahit kelan hindi ka magagawang mahalin. Kasi ang puso nya nakatali padin sa kanya. Mali nga kaya ang desisyon kong protektahan ang puso nya? Kasi ngayon palang ang sakit sakit na.
"Alam mo minsan naisip ko sana ako na lang si Fia. Ang sarap lang siguro sa pakiramdam na may isang taong sobrang mahal na mahal ka, na kayang gawin lahat para sayo. Pero at the same time mas gusto ko padin maging si Starr Velasco. Yung babaeng tapat magmahal. Yung kahit ilang beses man masaktan tatayo padin para sa mahal nya. Para protektahan ang taong mahal nya"
"Kung sana ikaw na lang ang minahal ko at di sya. Pakiramdam ko hinding hindi ako masasaktan dahil iba ka pa lang magmahal. Pero wala eh sa kanya na tumibok tong puso ko. Sa kanya lang wala ng iba pa"
Hindi ko alam kung pano idedescribe ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit sakit na kasi. Nauna na lang ako ng konti maglakad sa kanya. Sya tahimik na lang na nakasunod sakin. Maya maya nakarinig ako ng malakas na tugtog at mga taong nakapalibot sa isang grupo na kumakanta. Patapos na ang kantahan nila at narinig ko ang crowd na sumisigaw.
Huminto ako saglit in the middle of the crowd. Huminto din si Jared sa tabi ko. Mukhang natutuwa din sya sa performance.
"Thank you guys. How about this para maiba naman. Who would want to sing with us? Anyone?"
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...