Tame #48

4K 69 10
                                    

Shen

"Sigurado kang di ka sasabay sakin, Starr? Hindi mo pa naman dala ang kotse mo" I asked a bit worried.

Kung pwede lang na isilid ko sya sa bulsa ko para hindi na sya makagawa pa ng katangahan ginawa ko na. Gusto ko si Red para sa kanya pero sa nakikita kong ginagawa nyang pananakit kay Starr, ayoko na hanggat maari eh magusap pa sila.

"Okay lang ako, Shen. I'm catching the sunset. Call you later!" nagmamadali syang kumaway na may masayang ngiti.

Napailing na lang ako habang sinusundan sya ng tingin palayo. She love sunsets the most pero ngayon ko lang ulit sya nakitang ganun kaexcited makita yun. Hindi naman kasi ako ganun ka nature lover kaya hindi ko maintindihan kung anong meron sa paglubog ng araw tss.

Naglakad na rin ako palayo ng mawala na si Starr sa paningin ko. Pasway sway pa nga akong naglalakad patungong car park. I'm happy kasi magkikita kami ni Chase.

Sa totoo lang matagal ko na syang crush. Hindi lang halata kasi dapat umakto akong friends lang kami kahit pa tuwing nakikita ko sya eh nagddrums ang puso ko sa lakas ng tibok. Sabi nga ni Starr, bibihira ang pagkakataon na hindi ako cool kumilos. Gaya nya, hindi rin ako showy when it comes to emotion. But I had to set aside my feelings kasi hindi nya pwedeng malaman na may gusto ako sa kanya. Kaya nga papalit palit ako ng dinedate. He's uhm let's say, off limits.

Magkikita kami ngayon. Date? Nah! Kung sana nga lang date talaga. Kaso hindi eh. May hiningi lang syang favor na syempre di ko matanggihan. Okay na din yun parang informal date. Hahaha. Miss ko na din sya. Kung bakit naman kasi bigla syang nagtransfer ng school. He literally disappeared from us.

Pasakay na sana ko sa kotse ng may asungot na bigla na lang sumulpot sa harap ko. Nasira tuloy ang maganda kong mood kanina.

"Who would have thought I'll see you here?" Oliver grinned. God, I really hate this guy ever since I met him at a bar.

It was a lazy night. Naisipan ko lang na uminom sa bar mag-isa to unwind. But the unexpected encounter with this guy made me regret even going out. He was drunk, he was making a big fuss and was about to drive his car out. Wala naman sana kong balak makisali pero nainis ako sa bouncer na hindi man lang sya pinilit na wag magdrive samantalang kitang kita namang sa kabilang buhay ang tuloy nya. There, I ended up pushing him out of the driver's seat and took the wheel.

"Malamang school namin to. Kaw ang dapat hindi hinahara hara yang mukha mo sa harap. Tabi nga dyan!" hindi man lang syang gumalaw mula sa pagkakatayo sa pinto ng kotse ko.

Ano na naman bang kabwisitan ang dala ng lalaking to sakin?Inaantay na ko ni Chase eh.

"Kaya ko nga hinahara hara kasi alam kong gustong gusto mong tingnan. Hahahaha"

"You're hopeless" I rolled my eyes. "Kung wala ka ng ibang sasabihin, can you get away from my car? I'm in a hurry!" umalis naman sya sa driver's side kaya nakahinga ako. Agad akong pumasok sa loob pero laking gulat ko ng makapasok sya sa passenger side at prenteng maupo na kala mo binigyan ko sya ng pahintulot.

"Labas!!"

"Ayoko nga"

"Ano ba kasing problema mo Oliver ha?! Hindi mo ba maintindihan ang salitang labas??" tumingin sya sa side ko at nagulat ako ng nilapit nya as in sobrang lapit ang mukha nya sakin.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon