Tame #29

4.4K 73 15
                                    

Starr

Hininto ko ang Aventador ko sa malawak na parking lot ng school. Pagbaba ko nga hinawakan ko pa ang hood ng Lambo ko. Namiss ko kasi talaga to grabe. Today kasi nalift na ang pagiging grounded ko kaya hindi na ko masyadong hirap. Its a good thing na rin dahil mapapasched ko na ang operation ni Lucio.

"Amarie! Uuuuyy bakit nandito tong kotse mo? Kala ko binenta mo na?"

"Naniwala ka naman. Grounded ako ng isang bwan kaya kinuha sakin ang kotse at cards ko" sagot ko kay Kihan saka naglakad. Sumabay naman sya sakin.

"Sira ka talaga. Pinagtripan mo lang pala ko!" he pouted. Minsan para talaga tong bata.

"Hinihintay mo ba ko?"

"Haha oo. Gusto ko sabay natin tingnan yung Audition scheds eh. Tara!" hinatak nya bigla yung wrist ko kaya napatakbo ko ng di oras.

"Sandali lang! Anong audition?"

"Sa Musical"

"Anong Musical?" he stopped saka ako tiningnan na parang ang weird ko. I looked clueless I know. Ano bang musical ang sinasabi nito? Nakita kong napatampal sya sa noo nya.

"Natutulog ka nga pala kahapon. We will be doing musical play. Sa Music and Theatre Arts class natin. Kaya tayo pupunta sa bulletin para tingnan ang audition schedules dahil lahat tayo dadaan sa audition. Gets?"

"Ah. I see"

Huminto na kami sa may bulletin board na naglalaman ng mga announcements. Malapit lang din naman kasi sa entrance kaso grabe sobrang daming tao! Parang kahit ata hindi namin kaklase nakikiusyoso dito talaga naman. Sus audition scheds eh di malamang date lang ang nanjan anong inuusyoso ng iba?

"Teka ako na lang ang titingin ng sched. Ang daming tao eh. Wait for me here"

Nakisiksik na sya sa makapal na tao na nasa harap ng bulletin. Hindi ako mahilig sa maddramang play na ganyan. If its a band mas okay pa pero play? Naku for sure tutulugan ko lang yan. He said I should wait dito sa likod pero tumalikod na ko at naglakad paalis. I don't have time for that. Kaso pagtalikod ko, nakita ko naman ang paparating na sila Fia at Red. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay saka binalik ang tingin sa mukha nila. Fia looked at me the same way tuwing binibigyan ko sya ng mga regalo pero si Jared ni hindi nag-abalang tingnan ako.

"Amarie! I said wait for me diba? Bat ka umalis ng hindi--" napatigil si Kihan ng makita nya din sila Fia.

"Hi Kit" bati ni Fia dito saka bahagyang nag-iwas ng tingin. Napatingin naman this time si Jared sa gawi namin and our eyes met. His face is unreadable bago mabilis na tumingin kay Kihan.

"Hi Sophie--Sophia" he corrected saka binigyan ng tipid na ngiti si Fia.

"Kelan ang audition, Kihan?" I tried to ignore them as much as possible. Tutal he's doing the same thing to me.

"Next week pa, Amarie. Gusto mo--"

"Let's go, Fia" naputol ang sinasabi ni Kihan ng marinig namin parehas ang boses ni Jared.

He guided her papunta sa harap ng bulletin board at lumakas ang tilian ng mga tao ng makita sila. They were shouting that the perfect couple is back, how sweet they are, how they complement each other and so on. I should be happy now right? That finally, naayos ko na ang couple na sinira ko just because I'm a bitch.

Pero bakit parang...hindi ako masaya? Bakit parang...sumisikip ang dibdib ko when he treated me so cold? Bakit? Ano bang hinihintay ko? Na magpasalamat sya dahil tinulungan ko silang magkabalikan? Alam ko namang hindi mangyayari yun pero bakit ako nakakaramdam ng ganito? We used to be strangers and now we're back to strangers. That's logical naman diba? After what happened.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon