Tame #65

2.7K 52 4
                                    

Starr

"Starr!" papunta na sana ko sa first class ko ng marinig ko ang malakas na pagtawag sa pangalan ko. Huminto ako at nalingunan ko si Jared na papalapit sakin.

"Hi. Bakit?" saglit syang natigilan bago hesitant na sumabay sakin sa paglalakad.

"Ah ano lang scene natin mamaya sa rehearsal kaya wag kang malelate!"

"Yun lang? Kala ko pa naman kung ano. Oo na. Mamayang hapon pa naman yun di mo na lang ako hinintay sa room"

"Saka ano pala Starr--" naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko muna. Sumenyas na lang ako ng wait sa kanya as I pressed the answer button.

"Hello? Ha? Ah sige papunta na ko. Aga aga nandito ka na naman haha. Okay, see you" binalingan ko ulit sya pagkaend ko ng tawag. "Ja, ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Wala! Tss. Jan ka na nga!" naglakad na sya palayo sakin na hindi maipinta ang mukha. Anong problema nun?

Bumalik na muna ko ng car park dahil naghihintay si Tres. Grabe naman yun ang aga aga pa andito na.

"Stam!" kumaway agad sya sakin ng matanaw ako.

"Oh naka cap ka na naman. Hoy walang paparazzi dito. No one will notice you. Nakayuko ka pa"

"Just to make sure, to naman. I won't stay long, Stam. Just want to give you this" inabot nya sakin ang isang bouquet of red roses. Napapakamot pa sya sa ulo habang inaabot to sakin.

"You're cute. Thanks for this. Anong meron at dinaan mo pa dito ng ganito kaaga?"

"Ha? Ah ano naghanda kasi si Mommy ng packed lunch. Bigay ko daw sayo kaya sinamahan ko na din nyan haha"

"Sweet naman ni Tita" kinuha ko ang lunchbox sa kamay nya. "Tell her thank you and that I missed her"

"Si mommy lang?"

"Psh, syempre ikaw din!" kinurot ko sya sa pisngi. Hinimas pa nya ang pisngi ng bitawan ko pero napangiti naman pagkatapos.

"I'll go ahead. Pasok ka na"

"Alright. Thanks dito. Ingat ka" kumaway na sya sakin bago sumakay sa kotse nya. Hinintay ko muna syang umalis bago ko naglakad pabalik sana ng room. "Oh gosh! Jared! Bat ka ba biglang sumusulpot?? Aatakihin ako sayo eh!" nakatingin lang sya sa hawak kong bouquet saka palang umangat ang tingin nya papunta sa mukha ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"May nalimutan ako sa kotse. Sige dyan ka na" parang napapaso syang nilagpasan ako. "Starr..." there's something in his voice na hindi ko maintindihan.

"Bakit? Diba may gusto ka nga palang sabihin sakin kanina?" nakangiti kong tanong. Saglit syang natigilan at napatitig lang sakin. Tapos nagulat na lang ako ng bigla nya kong kabigin palapit sa kanya. I realized he's hugging me so tight. "Ei Jared, b-bakit--"

"Dapat ba laging may dahilan pag yayakapin kita?"

"Ha??" pinakawalan nya na ko but somehow gusto ko pa din na nakakulong sa bisig nya. I always like it when he surprisingly hug me out of nowhere. "You shouldn't hug just anyone" sagot ko ng makabawi sa pagkabigla. "You should think how Fia will feel and I don't want to misunderstand you so d-don't do it again"

I maintained a straight face kahit pa hindi naman yun ang gusto kong sabihin. He shouldn't be doing this. Bakit nya ba ko nililito ng ganito?

"Kaw naman kasi, pinamigay mo pa ko eh di sana kahit oras oras, minu minuto pwede kitang yakapin ng ganito ng walang tanong tanong" wala na naman akong nagawa ng yakapin nya ko.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon