Tame #60

3.1K 50 1
                                    

Starr

Ngayon ang araw ng Musical Cast Bond. Sabi ng committee, para daw makilala namin ang bawat isa saka para makapag unwind nadin dahil sa busy rehearsals. Isa isa na kaming nagbabaan sa bus na ginamit namin para magkakasama kaming lahat papunta dito kahit pa tumutol ang karamihan dahil may mga kotse naman. The typical elites.

"Grabe! Sobrang ganda naman dito!

"Excited na kong maglibot! Sobrang laki! Gosh!"

"Pwede ba tayong mangabayo mamaya, Red?"

"Sure. Nandito tayo pag magrelax. Break natin to sa halos everyday rehearsals natin" nakangiting sagot ni Jared dun sa grupo ng mga babae na kumukuha ata ng Fine Arts. Parang Nancy ata ang dinig kong pangalan nung pinakaleader.

Magkakasabay silang naghiyawan dahil sa sobrang excitement bago nagpaalam kay Jared. Nilapitan naman sya ni Zach tapos maya maya lang nakita ko nang papunta sa direksyon nila sila Uno at Third. Lumayo na lang ako sa kanila para iwas gulo at naglakad lakad. We're at dela Vega's ranch. Pagmamay-ari ng family ni Jared.

"Shen, diba marunong kang mangabayo? Turuan mo naman kami!" napahinto ako saka tiningnan ang may ari ng pamilyar na boses na yun at nakita ko si Brea. Hinihila pa nga nya yung manggas ng tshirt ni Shen habang nagpapacute.

"Sige. Later pag hindi na masyadong mainit"

"Yehey! Exciting naman! Ngayon lang ako nakapunta ng rancho! Dapat pala nag suot din tayo ng riding clothes gaya ni Starr" napasampal naman sa bibig si Mariko saka awkward na ngumiti kay Shen. Napatingin sakin si Shen pero para lang akong nanalamin dahil sa kawalan ng emosyon.

"Mauna na kong pumasok. Ang bigat ng bag ko eh"

Sigh. I was stupid to think that I shouldn't worry about Shen kasi akala ko magiging okay din kami once she cooled down but she's still ignoring me on purpose.

"You like the place, Amarie?" napalingon ako kay Kihan na nakatayo na pala sa tabi ko ng hindi ko namamalayan.

"Oo naman. Maganda. Presko"

"Oo nga eh. Saka nakakastress din yung rehearsals. Mabuti pa, let's go horseback riding this afternoon. For sure mageenjoy ka"

"I don't ride horses"

"I'll teach you, don't worry"

"Wag na muna siguro. Nandito tayo para magenjoy at nalulungkot ako pag nakikita sila. Next time"

"O sige na nga. Pasyal na lang tayo mamaya" he smiled.

"Class! Lunch is ready!" hindi na ko nakasagot kay Kihan nang marinig na sumigaw si Miss S habang nakatayo sa pinto ng villa. Nagsabay na lang kaming pumasok para kumain.

*****

Fia

Pagkatapos ng pananghalian, halos kalahati samin ay nagsiesta muna at nakatulog sa haba ng byahe. Yung iba naman naglaro ng video games sa theatre room basta kahit anong mapaglilibangan. Yung mga boys nasa may Billiards Hall. Around three thirty ng magpasya kong lumabas at mamasyal. Aayain ko sana si Red kaso kanina ko pa sya hindi makita sa loob ng villa. Baka makita ko sya habang namamasyal.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon