Tame #58

3K 47 2
                                    

Starr

Tapos na ang sembreak at Halloween kaya balik na naman kami sa school at mas madalas ang practice dahil sobrang lapit na ng Musical Presentation. Halos lahat busy habang ako, mas pinili kong magbasa ng script kasi ang dami ko pang hindi kabisado.

"Let's practice together. Tutal scene natin today" boses palang kilala ko na kaya hindi na ko nag-abalang lumingon pa.

"Mas gusto kong magmemorize mag-isa"

"Kala ko ba okay na tayo? Bat sinusungitan mo na naman ako?"

"We're civil so I think okay naman tayo"

"I mean we're close"

"Kelan pa?"

"Eh di nung Ball. Matapos mo kong gawing stress reliever, buhatin at ihatid sa inyo, eto lang mapapala ko? Tsk"

"Will you stop? Sino ba kasi nagsabing sundan at ihatid mo ko?? Sigurado ka bang yun lang ang ginawa mo? You didn't do something unnecessary don't you?" biglang nag-iwas ng tingin si Jared na ikinakunot noo ko. "You're acting weird. May ginawa ka bang hindi ko alam??"

"A-Ano namang gagawin ko sayo? As if naman kanasa nasa yang itsura mo" napataas na lang ang kilay ko sa kanya.

"Whatever"

"Matapos ng ginawa ko sisinghalan mo lang ako. Kahit kailan talaga hindi mo alam ang salitang thank you. Ibang klase"

"Eh di thank you!"

"Ano yan labas sa ilong? Tsk di bale na lang"

"Bahala ka na nga jan! Ayaw mo di wag!"

"Sana pala pinabayaan na lang kitang matulog dun"

"You're unbelievable" napapailing kong sagot.

"Tingnan mo to. Ganyan ata talaga ang mga taong nag-sleeptalk. Jan ka na nga"

"Anong sinabi mo?" I stopped him from leaving.

"Andami kong sinabi, Starr" painosente pa tong freak na to.

"Alam kong alam mo ang tinatanong ko. Wag ka ng magpatay malisya dyan"

"Alin ba? Na nagssleeptalk ka? O bakit? Di mo alam? Haha nakakatawa ka nga habang natutulog sa kotse ko eh"

"Y-You're kidding. Wag ka ngang mag-imbento!" nilapit nya ang mukha nya sakin dahilan para mapaatras ako ng bahagya. It's awkward!

"Ako ang gising sating dalawa kaya ako ang nakakaalam" ngumisi pa sya ng nakakaloko.

"W-What did uhm ugh crap! Did I say something...weird?"

Alam ko kasing nagssleeptalk ako pag pagod na pagod o kaya naman galing sa pag-iyak. Pero matagal na kasing nangyari yun. Buhay pa si Kuya Shaun nun. Masama ang kutob ko dito. Kinakabahan ako sa sasabihin nya. Idagdag pa ang malapit na mukha nya sakin. Hindi ba sya naiilang?

"Gusto mo talagang malaman?" napatango na lang ako dahil parang may bara ang lalamunan ko na di na magawang magsalita. Lalo pang inilapit ni Jared ang mukha sakin. Halos mapaliyad na nga ako sa pag-iwas. Sumeryoso sya habang nakatingin sakin. "Sabi mo lang naman...I love you, Jared. Kalimutan mo na lang sya at pwede bang ako na lang?"

That's the worst thing I could ever said kaya naman sa sobrang gulat ko, napahakbang ako ng isa patalikod. Pilit ko na ngang kinakalimutan ang feelings ko para sa kanya tapos ako din pala ang magpapahamak sa sarili ko! Gusto kong makalayo agad sa kanya dahil sa pagkapahiya. Pero wrong move dahil nasa edge na pala ko ng stage at napasigaw na lang ako.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon