Tame #68

2.5K 48 3
                                    

Doyp

"Pare, hindi mo man lang kasi sinabi kay Shen yang pinaghihimutok mo. Pano kung mali ka pala ng akala?" napatigil ako sa pagkagat ng pizza at tumingin kay Lantis. Dumeretso kasi kami sa bahay ko after ng gig at hindi pa kami natutulog. Yung dalawa kasi hindi na sumama.

"Bakit nandun ka ba para masabi mo yan? Panong mali eh ako nga ang nakakita??"

"Yun na nga eh. Ikaw ang nandun pero bakit hindi mo parin alam ang totoo?"

"Anong hindi alam?? They looked so sweet together. Tapos niyakap nya pa yung lalaking yun. That bastard even kissed her in her forehead! Kitang kita ko parin na namiss nya yung lalaking yun. Nagkabalikan na sila tapos ako wala na! Naiwan na lang sa ere" napailing iling na lang si Lantis bago tumingin sakin ng seryoso.

"Sa tingin mo ba hahanapin ka pa nya kung nagkabalikan na sila? Did you even listen to her explanations? Hindi pa nga kayo wala ka ng tiwala. Ayaw mong maiwan sa ere at masaktan pero sinaktan mo sya. Ang selfish nun tol!"

Saglit akong natigilan sa sinabi ni Lantis. He's right. Natakot ako na masaktan. Ang duwag ko lang para matakot na bigla nya kong kausapin para sabihing she doesn't love me or even like me at all kaya ako na ang unang umiwas. Baka kasi umasa lang pala ko na ganun din sya sakin. I fall for her and admit that I love her pero wala syang sinabi if she feel the same way. Masisisi nya ba ko kung matakot ako? Sa kanya ko lang naramdaman to at hindi ako ganun kaexpert pagdating sa seryosong relasyon.

"Do you really love her?"

"Tsk. Ano ba namang klaseng tanong yan?"

"Bat di mo masagot? Maybe what you feel for her is not enough. Siguro nga mas maganda pa na maghanap na lang sya ng iba kesa sa duwag na gaya mo"

"Anong sinabi mo?!" hinatak ko ang damit nya sa sobrang inis.

"Bakit hindi ba? Natakot ka kasing tanungin sa kanya kung ano bang nararamdaman nya. Isa pa bakit kailangan mo agad sumuko? Yung iba nga sinabihan na ng ayaw sa kanila sige pa rin samantalang ikaw, wala pa ngang sinasabi sumuko ka na agad"

"Wala kang alam! I love her more than anyone in this world. Ikaw ba napaglaban mo ba yang feelings mo para kay Starr??"

Kulang na lang maglabas ng apoy ang mata ko dahil sa sobrang inis. Nakakabadtrip na kasi ang sitwasyon eh. Pero nang mapansin kong natahimik si Lantis, bigla akong nagsisi sa nasabi ko at nabitawan ko sya. Damn it! Below the belt na yun. Ang tanga ko talaga! Frustrated na kase ko and he's making me realize my mistakes.

"Lantis, ano pare hindi naman--"

"Yeah you're right haha. Nagbibigay pa ko ng advice eh sarili ko nga hindi ko magawan ng tama"

Napatingin na lang ako sa kanya habang nakatingin sya sa bintana ng kwarto ko. He's laughing pero alam ko naman na nasaktan ko ang bestfriend ko. Alam ko na gusto nyang sabihin ang totoo kay Starr pero na-friendzone eh. At mas mahirap ang sitwasyon nya kesa sakin. Ako swerte pa na nasabi ko kay Marie ang nararamdaman ko pero sya kapag sinabi nya, baka wala na syang panghawakan pa. Bakit ba kasi lagi akong nagpapadalos-dalos?! Tumawa na lang sya bago tumingin sakin. Ang mga tawang ayokong nakikita sa bestfriend ko. Totoo nga ata na ang mga totoong kaibigan brutal kung tirahin ka pero tagos.

"Kalimutan mo na yun. Hindi ito ang oras para sakin. O eto para kumilos ka na papaalam ko lang sayo na nasa New York na yung lalaking pinagseselosan mo. Kaya imposible yang sinasabi mo"

"Anong sabi mo?? Nasa New York?? Pano si Marie??"

"Yan na nga ba sinasabi ko eh. Wala ka naman palang alam nananakit ka ng tao. Nagmigrate na sya sa New York sabi ni Stam sakin. Malamang nag-usap lang yung dalawa. Closure. Para namang di mo alam yung nangyari sa kanila. Can't you see it? She's into you hindi mo pa ba ramdam yun?"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon