Tame #55

3.2K 51 2
                                    

Starr

Sinamantala namin ang Semester Break to unwind at a beach. Wala naman talaga akong planong umalis especially dahil sa kalagayan ni Lucio but they literally kidnapped me to a faraway beach.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng malamang naarrange na nilang tatlo ang mga kakailanganin ni Lucio. Sinabi ni Shen na wag na kong mag-alala dahil naipagpaalam na nya ko sa anak ko at pumayag naman. Pinakiusapan daw nila si Ate Marcia na tingnan tingnan sandali si Lucio.

Ayoko man umalis pero wala na kong nagawa. Mas mabuti narin siguro yun dahil ilang araw na kong tulala lang sa ospital habang binabantayan si Lucio. Paulit ulit kasing nagrereplay sa utak ko ang kiss na yun.

"What the hell are you doing here??" agad na uminit ang ulo ko ng makitang pababa din ng bangka ang isang grupo particularly ang leader nila.

"Kaw ba may-ari ng islang to? Malamang nagbabakasyon"

"My God. Is this the only island?? Bakit kailangang hanggang dito makikita pa din kita??"

"That's life. You can never run away from me easily, Starr"

Hindi tumitingin sakin si Third at Uno pero si Zach, halatang natutuwa na makita ko dito. Nakakainis! At ang mas nakakainis sa lahat, he's acting cool and comfortable around me na parang walang drama scene na naganap three days ago. This is torture. Kaya naman hindi na ko lumabas.

The next day, boredom hit me kaya naman naglakad lakad ako sa dalampasigan. Nagpahinga ako sa may batuhan na medyo malayo sa karamihan. Pinanood ko ang paglubog ng araw.

"Oh you're here. Buo na naman ang araw ko" napapikit na lang ako sabay marahas na napabuntong hininga ng marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Sinusundan mo ba talaga ko??"

"Ganda mo naman para sundan kita"

"Talagang maganda ko. Bulag ka lang kasi" I mumbled.

"Ayos sa bulong ah. Dinig na dinig ko" natawa sya sa tabi ko.

"Ang saya mo naman ata masyado?"

"Diba yun nga ang gusto mo? Ang bumalik ako sa dati? If I can change for the worst, that doesn't mean I can never change back. Here I am now, Starr. You should be thankful" he grinned after stealing my line.

"No need. Nagbago na din ang preferences ko"

"So does that mean you don't feel anything for me anymore?"

I was expecting him to laugh but he's serious enough for me to think that he badly want to know. I looked away and focus my gaze in the orange sea from the sunset's rays.

"Para namang ganun lang kadaling gawin yun. But that doesn't mean na hahayaan kong itake advantage mo ulit yun. I don't wanna go insane" he kept his silence for a while.

"That's good. Hindi ko kasi maipapangakong hindi ka na masasaktan ng dahil sakin"

Gumuhit na naman ang sakit na pilit kong kinakalimutan. I immediately dismissed those negative thoughts. Ayoko ng mag mukhang pathetic dahil sa kanya.

"Whatever" ibabalik ko na sana ang tingin sa dagat ng may mapansin ako sa kanya. Napatingin ako sa nakasukbit sa leeg nya na SLR. Seriously?? "At kelan ka pa nahilig sa photography?"

"Kanya kanyang trip yan. Walang pakealamanan"

"If I know sablay naman ang mga shots mo--Hey!! Sino may sabing kuhanan mo ko?? Delete that!!"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon