Tame #30

4.4K 81 11
                                    

Red

Isang linggo na kaming walang communication ni Starr. Madalas nakikita ko syang kasama si Kitsuki kesa ang mga kaibigan nya. Maybe they finally end up dating now that Fia and I are back together.

That morning, nakita ko si Starr sa palagi nyang inuupuan sa klase. Wala si Kitsuki na laging nakaupo sa tabi nya. She's staring blankly at the window na parang nag-iisip ng malalim. Hindi ko alam bakit parang kusang naglalakad ang paa ko papunta sa gawi nya. Naupo na lang ako sa tabi nya ng walang imik. Wala naman talaga kong balak kausapin sya. The music in my ipod stopped dahil tapos na ang full track of songs na nakastore dun. I was already reaching for my pocket para ishuffle ulit ang mga kanta ng marinig ko syang nagsalita kaya hindi ko na nagawa ang balak ko.

"Alam mo Kihan, sana naexpel na lang ako"

Derecho lang ako ng tingin ko sa board sa harap. I pretended to be listening to a song kahit wala naman ng marinig kong binanggit nya ang pangalang Kihan. So akala nya ako yung Hapon na yun? Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Bakit gusto nyang maexpel?

"Hindi naman siguro masama ang mapatapon sa India eh. Siguro kung nandun ako, wala na kong masyadong iniisip kundi sarili ko lang. Walang hassle, walang problema, walang rason para masaktan"

Bakit sya ipapatapon sa India kung maeexpel sya? Ganun ba kalupit ang parents nya para ipatapon talaga? Siguro sumakit na rin ang ulo nito sa bitch na gaya nya. Anong problema pa ba ang meron sya? Diba kami lang naman ni Fia ang malaking problema nya? And now that we're back together, ano pa ang rason para masaktan sya at mamroblema?

"Alam mo, ang swerte mo. Kasi ikaw kaya mong ngumiti na parang ang dali dali lang ng buhay. Kaya nga naiinis ako sayo nung una kitang makita. Naiinggit ako kasi hindi ko kayang ngumiti kahit kelan ko gusto. Para bang happiness can never be an option for me"

Happiness can never be an option.

Inulit ko sa isip ko ang sinabi nya at tumatak talaga sa isip ko yun. Sya lang ang taong narinig kong nagsabi ng ganung bagay. Kaya ba sya naging cold sa mga tao?

At this very minute, pakiramdam ko gusto kong malaman kung sino nga ba si Starr na hindi nakikita ng iba. Hindi naman sya mahalaga sakin. Si Fia lang ang nag-iisang tao na sobra kong pinahahapagahan. Pero bakit ako nakakaramdam ng ganito sa kanya?

"Jared...bakit ikaw ang nakaupo jan?"

I tried my best not to look at her ng marinig ko ang pangalan ko na tanging sya lang ang tumatawag. She can't know na narinig ko ang lahat ng sinabi nya without her knowing it. Nag angat ako ng tingin ng may lumapit saking kaklase. Though I heard what she said, I still need to act as if I don't. I removed my headset na wala naman talagang tunog.

"What is it again? I didn't hear you"

"Ah sorry nakaheadset ka pala. Sabi ko wala tayong prof kaya dismissed na ang klase"

"Ah ganun ba. Sige thanks" naglakad na ko palabas resisting the urge to look back. Ignore her. Stay away from her. I reminded myself.

*****

Starr

Lumabas na rin ako ng room right pag-alis nya. Kahit hindi nya narinig, iniisip ko pa rin ang mga nasabi ko. That's dumb to talk unknowingly.

"Amarie, I already have the script! Di ko pa nababasa kasi gusto ko sabay tayong magrehearse" nakangiting bungad sakin ni Kihan paglabas ko ng room. "Wala naman daw klase kaya tara na. Practice tayo"

Madalas kong kasama si Kihan dahil mejo busy ang bitches sa klase nila plus nagpapractice para sa darating na audition the day after tomorrow. Ako? Mas busy ako sa pagaasikaso ng operation ni Lucio. After school dumederecho ko sa ospital para bantayan sya tapos uuwi ako kinabukasan para lang maligo at magbihis saka papasok. Napapagod din ako totoo lang. Pero walang oras para sumuko.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon