Tame #57

2.9K 51 3
                                    

Starr

"Hindi mo naman kailangang magmukmok dito dahil lang natalo ka"

"What are you doing here? Dapat nasa loob ka dahil magsasayaw pa kayo" hindi sumagot si Jared at hinila na lang ako palapit sa kanya na kinagulat ko. "H-hey! What are you doing??"

"Nagsayaw na kami kanina, remember? So it won't hurt kung madelay ang isa pa" hinawakan nya ang dalawang kamay ko at nilagay sa magkabila nyang balikat and guided me to dance kahit wala namang tugtog.

"Sasayaw wala namang tugtog"

"Oo nga naman. Hindi pala to parang movie na may maglalagay ng background music haha"

Humiwalay sya sakin saka kinuha ang iPod nya sa bulsa. Nagscroll sya sa iPod saka sinaksak sa kanang tenga ang isang earphone. Yung isa naman kinabit nya mismo sa tenga ko. Nagplay ang isang sweet slow song and we danced na literally kami lang dalawa ang nakakarinig ng music.

"Binigyan na nga kita ng space away from me pero kaw naman ngayon ang lapit na lapit. Hindi na kita maintindihan, Jared" I said in between our steps habang pinakikinggan ang kanta.

"Sabi mo kasi never mo kong maabot kaya eto ko, ako na mismo ang umaabot sayo, Starr"

"I don't need your pity, Jared"

"Trust me, I'm not. Pero seryoso, dahil lang hindi ka naging princess nagdadrama ka mag-isa dito? May walk out ka pang nalalaman haha"

"Eh ikaw bakit may harana ka pang nalalaman?"

"Nagseselos ka ba?" he looked quite amused. Inirapan ko sya.

"Of course not. Hindi naman kasi yun eh. Wala naman akong pakelam sa title na princess" mahina kong sabi habang patuloy padin kami sa pagsayaw. "Naiinis lang ako sa sarili ko na iniisip na kahit sa simpleng titulo lang na yun hindi ko sya matalo. No wonder I wasn't able to beat her either in title or in your heart"

Hindi na sya umimik at basta lang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. Binitawan nya na ko at lumayo sakin dahilan para matanggal din sa tenga ko ang kabilang earpiece saka naupo sa may fountain. Lumapit ako saka umupo sa tabi nya.

"Suot mo ulit to" sinuot nya ulit sa tenga ko ang kabilang earphone. "May paparinig ako sayo" nagscroll sya ulit at maya maya lang narinig ko na ang boses ng lalaki na kumakanta. For a moment, pinakinggan ko lang ang kanta. Hanggang sa napatingin ako sa gawi nya ng kumanta sya.

"Help~ cause its an emergency. Someone just wounded my heart. So help, its like a bad surgery. And now its time to recharge. I'm starting over taking..."

"One, two, baby steps...three, four, baby steps. Five, six, baby steps...I'm starting over again" sinabayan ko na sya sa pagkanta.

"Alam mo to?"

"Oo. Nung una kong narinig yan, kaw agad naisip ko eh" natawa naman sya na ikinakunot ng noo ko.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon