Tame #66

2.6K 53 8
                                    

Starr

Meet me at the rooftop. 7PM. Hihintayin kita.

I re-read the message twice pero hindi pa rin madigest ng utak ko kung bakit kailangan akong papuntahin ni Jared sa rooftop. As if gugustuhin ko pang pumunta dun. I don't want to remember the day he kissed me. Baka bumalik lang lahat ng sakit mahirap ng mabigo ulit. I hit the reply button and composed a message.

I can't make it, Ja. I have a very important appointment. Let's talk tomorrow and at some other place.

I pressed the send button and seconds later lang, nagvibrate na ulit ang handphone ko.

No. I'll wait tonight hanggang sa dumating ka.

Tinawagan ko na sya pero cannot be reached na ang phone nya. Aish! Ano na naman bang kalokohan to? Alam ba ni Fia yang mga pinaggagagawa nya? Totoo namang may importante kong pupuntahan. Way too important.

Kakausapin ko na lang sana si Jared pag nakita ko sya pero tapos na ang huling klase namin pero ni anino nya hindi ko nakita. Ugh! Whatever. Nagtext na lang ulit ako sa kanya na hindi ako makakarating. Basta sinabi ko na hindi ako pupunta. Pasakay na ko ng kotse ko ng magvibrate na naman ang cp ko. Akala ko si Jared na pero hindi pala.

Race track, Starr. Please bring your sports car with you.

Napabuntong hininga ako ng mabasa ang text ni Chase. Sya ang importanteng kailangan kong makausap tonight. He texted me this morning to meet up dahil may importante daw syang sasabihin. We weren't able to talk ever since Halloween Ball just like Shen. Masyado ng matagal ang tampuhan namin. Para sakin tampuhan lang naman yun. Hindi ako galit sa kanya dahil naintindihan ko naman sya afterall. Masakit umasa at mabigo at yun ang sitwasyon nya ngayon.

Umuwi muna ko sa mansyon. Sabi nya kasi sports car. Yung BMW kasi ang dala ko sa school kanina. Nagpalit muna ko ng jeans and a simple blouse. Mukhang magrerace kami pero dress ang suot ko kanina. It's already 6pm when I reached the race track. That same familiar feeling rushed in.

Kahit pala pilitin kong maging masaya na ulit, meron paring unresolved issues na hindi ko matatakasan. Hanggat di ako natatanggap ng mga magulang ko, hanggat hindi ko pa napapatawad ang sarili ko, hindi parin ako makakawala sa nakaraan ko. At sa nakikita ko, alam kong niloloko ko lang ang sarili ko na masaya ko when I felt the opposite. I took a deep sigh as I got out of my car. Agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid to see if Chase was already here.

"Hey..." I turned around. Chase is smiling at me. Hindi na ko nagdalawang isip pa na yakapin sya. We've been friends for so many years and I missed him. Hindi lang dahil sa isang pagkakamali maitatapon lang yun ng ganun ganun lang. "Starr--" he whispered while my arms are wrapped on his neck. Humiwalay ako at nakasimangot na tiningnan sya.

"Chase, where have you been? Bakit ngayon mo lang ako kinontak??" nasense kong na-awkward sya kaya nginitian ko sya. "I missed you, Chase! Don't leave again just like that okay? You have to be here with me" he looked away. "Something wrong? Chase, if it's because of what happened nung Ball kalimutan mo na yun. I know exactly how you feel at di naman kita sinisisi. Okay? Let's just forget it, mm?"

Tumango na lang sya at ngumiti pero ni hindi man lang umabot sa mga mata nya ang ngiting yun. Nagpasya kaming maglibot libot muna sa kabuuan ng race track. Naupo kami sa mga bleachers at nakita kong may mga street foods sa isa sa mga upuan.

"Let's eat. Nilagay ko yan dyan bago ka dumating" he smiled.

"Nice. Kailan nga ba ko huling nakakain ng street foods? Thanks, Chase"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon