Tame #22

4.9K 89 19
                                    

Red

Nakatayo ako di kalayuan sa bahay ni Fia at tinatanaw ang kwarto nya as if I can see her. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi nung bitch na yun.

Magmove on ka na lang kung wala kang kayang gawin para bumalik sya sayo.

Move on? Para narin akong nagpakamatay pag ginawa ko yun. How can I possibly do that kung sya ang buhay ko? Lumayo lang ako dahil lagi nya kong pinagtutulakan palayo but that doesn't mean na kinalimutan ko na rin sya. Malabo yun.

(bzzt bzzt)

I checked my phone at napaderecho ko ng tayo ng makitang si Fia ang nagtext.

Come to my house. I'll be waiting at the garden.

Binalik ko ang tingin sa bahay nya. Bakit gusto nya kong makausap? Sabi nya nun, we better not see each other tapos ngayon? Dapat na naman ba kong umasa? Dahil nandito na rin naman ako, nagpasya kong puntahan na agad si Fia. Tutal yun naman talaga ang gustong gusto kong gawin--ang makita sya. I hit the doorbell at pinapasok ako ng maid nila. She guided me to the garden kung san tahimik na nakaupo si Fia sa swing na gawa sa kahoy.

"Fia" lumingon naman sya sakin at tumayo agad.

"Ang bilis mo ah. Kakatext ko lang"

"I was just nearby" hindi ko magawang sungitan sya ngayon. I was thinking kasi of all the possible ways to get her back. I don't believe that she doesn't love me anymore.

"Sorry kung naabala kita"

"No worries. May sasabihin ka ba sakin?" malumanay kong sagot na bahagyang pinagtaka nya. Kasi naman last time, I was so cold to her.

"Ah ano..." may pagdadalawang isip pa sya bago nag-iwas ng tingin. Tahimik syang naglakad sa may front door at kinuha ang may kalakihang box na hindi ko napansing nakalagay sa may table set dun. Nakakunot noo lang ako na hinitay syang makalapit sakin.

"Isosoli ko lang sana to" nakayuko nyang sabi habang nakatingin sa may takip na kahon. "Hindi ko na kailangan to. Yung big bear, ipapakuha ko kay Manang. Sandali lang" nahawakan ko agad sya sa wrist nya ng marealize ko kung anong ginagawa nya.

"Don't bother. Eto lang ba ang dahilan bat mo ko pinapunta?" bumalik ang aloofness ko habang nakatingin sa kanya ng walang emosyon. Nag-iwas sya ng tingin sakin and all I can do is to look up at the clear morning sky out of frustration.

"Nakakainis talaga ang salitang expectation ano? Kahit hindi mo gustuhin, mageexpect at mageexpect ka pa din"

"Red..."

"Pati yang pangalan kong Red. I'm now starting to hate it dahil tuwing naririnig ko yan sayo ng wala ng karugtong, parang sinasabi mo na stop expecting and move on. Hay, what happened to us, Fia? San ba ko nagkamali ng pag-aalaga sa relasyon natin? San ba ko nagkulang?"

Hindi ako nanunumbat o ano pa man. I was simply asking her kasi litong lito na ko. Sa lahat naman ng breakup diba maaccept mo lang yun if the other end gave you at least one valid reason. Yung katanggap tanggap. Yung kapanipaniwala. Para naman hindi mahirap magmove on. But I was left hanging. She gave me reason na hindi nya na ko mahal pero mararamdaman ko naman yun kung talagang hindi na eh.

"It's me, Red. Hindi ikaw. I changed" halos bulong lang yun.

"I get it" nasabi ko na lang pagkaraan. Ayoko ng marinig pa na sabihin nyang hindi nya na ko mahal kaya nya ko iniwan. Binitawan ko na ang wrist nya at umatras. "Do whatever you want with the stuffs I gave you. Throw it away, ipamigay mo o sunugin mo na lang. Magiging kalat lang yan sa bahay"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon