Starr
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Lantis pala si Tres, my childhood sweetheart. We just know each other as Starr and Lantis kasi. I didn't wonder at all na baka sya nga yun dahil mas naalala ko sya bilang Tres and maybe he thought the same thing dahil madalas nya naman akong tawaging angel or Stam dati. Besides, it's been years!
Tinawag ko syang Tres dahil ang buong pangalan nya ay Lantis Yuseco III. I don't like calling him Third kasi karamihan sa mga may gusto sa kanyang babae dati ay Third. I want it to be different dahil special sya sakin. He called me Stam way back dahil sa pangalan kong Amarie Starr na pinagbaliktad nya.
He's the one na ginawan ko ng scrapbook na nakita ng bitches one time na nakapasok sila sa kwarto ko ng wala ako. He was my puppy love or rather my first love.
Grade 6 ako nun at first year highschool naman si Tres ng magkakilala kami sa park one sunny afternoon ng tulungan nya ko ng magcrash ang bike ko sa isang puno. At my young age, nagawang tumibok ang puso ko sa kanya. He's sweet, caring, thoughtful at syempre gwapo. Halos lahat ng mabubuting katangian nasa kanya na. He's the next guy na napamahal sakin after my dearest brother. At kung ano pa ang pinakanagustuhan ko sa kanya that time? How he cares and protect me gaya ng ginagawa ni Kuya Shaun at gaya na rin ngayon. Imagine how fate moves na nakita namin ang isa't isa without us knowing it.
"How can you leave just like that?!" hinampas ko sya sa dibdib nya na ikinatawa nya lang.
"Hahaha easy ka lang. Ngayon na nga lang tayo nagkita as Tres and Stam ganyan ka pa sakin" huminto naman ang ako sa paghampas at nagtatampong tumingin sa kanya.
"Kaw kasi eh. Umalis ka ng ganun ganun lang tapos napakaikling sulat lang ang binigay mo sakin. Anong klase yun??" pinisil nya ang ilong ko saka ngumiti. He left nung nasa second year high school na ko without saying goodbye. Nag-iwan lang sya ng maikling note dati sakin na nakalagay sa scrapbook ko.
"Sorry na. Biglaan kasi ang pagmigrate namin sa Paris. Hindi naman kita ginustong iwan kung alam mo lang. Eh di sana ako ang naging first boyfriend mo haha"
Hindi ko napigilan magblush kaya naman napayuko ako para itago ang pagkapahiya. Para kong bumalik sa pagkateenager na nakikipag-usap sa crush nya. Hinawakan ni Lantis ang baba ko at inangat ito para mapagmasdan ang mukha ko.
"Still pretty even with those flushed cheeks. But seriously hindi kita ginustong iwan. I'm sorry for leaving you that time. Bata pa ko nun and you know I don't have a choice"
"Hmp. Ayokong nakakarinig ng sorry so you should keep that in mind. Hindi maalis ng isang salita ang nangyari na"
"Ayan ka na naman sa words of wisdom mo" he chuckled. "But thanks to that, I found you my angel" madalas nya kong tawaging angel nung mga bata pa kami dahil sa maamo ko daw na mukha.
"I didn't expect this. I'm so happy na nandito ka na ulit. Dito sa buhay ko so don't you dare leave me again"
"I won't leave you again, angel. Maging ako man si Lantis o si Tres I won't leave you again. Till forever" napangiti naman ako ng maalala ang sulat nito noon na pinakatatago ko pa. Sya na nga talaga si Tres walang duda. "Eto naman na ang ginagawa ko simula ng makilala kita diba?" dagdag nya sabay ngiti sakin.
"I didn't expect you to remember that till forever of yours. Akala ko trip mo lang yun noon ng sulatan mo ko with those cheesy lines"
"Lahat ng yun galing sa puso ko, Stam" seryosong sagot nya pero hindi ko naiwasang malungkot. Napabuntong hininga na lang sya. May ilang saglit din syang seryosong nakatingin lang sakin bago ngumiti. Itinaas nya ang magkabilang gilid ng bibig ko na pormang nakangiti. "Smile pretty. What's with the sad face eh andito na ko oh. Your Tres, your mighty soldier na ipagtatanggol ka kahit anong mangyari" napangiti na ko ng tuluyan sa sinabi nya. Bakit pa nga ba ko kailangang malungkot kung andito na ang savior ko.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...