Tame #75

2.9K 63 7
                                    

Starr

Right after the musical, everything happened so fast to the point na nawalan na naman ako ng choice. Kanina pa nakaalis si Tres. Pinauwi ko na sya kahit sobra syang nag-aalala para sakin.

I'm not mad at him for bringing my devil mom to the Musical. Hinihintay ko nga sya sa simula pa lang. And the moment na makita ko sya after the play, somehow parang alam ko na rin na ganun ang mangyayari. Never naman akong umasa na yayakapin nya ko at sasabihan na ang galing galing ko dahil alam kong hindi mangyayari yun.

Tahimik lang syang nakaupo sa napakalaking living room kaya nagpasya kong umakyat na lang. Wala na rin naman akong sasabihin. Nakakapagod na dahil alam kong magtatalo lang kami. In the end, hindi nya rin naman ako papakinggan.

"We still need to talk"

Wala akong nahimigan kahit katiting na emosyon sa boses nya. I stopped and glance at her.

"About what? Can we just talk about it tomorrow?" tulad nya, hindi rin ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

"I don't wanna see you with that guy. May fiancé ka na kaya wag ka ng magentertain ng kahit sino" malamig nyang sagot saka tumayo at tinalikuran ako.

"But...I love him"

Mahina kong sagot na para bang kausap ko lang ang sarili ko. Napalingon naman sya at nakita ko na naman sa mga mata nya ang kawalan ng emosyon. Hindi ko na nga talaga sya kilala.

"We already talked about this. We will be leaving on Friday"

"Bakit hindi na lang sya? Bakit kailangang pati pagpili ng mamahalin ko ikaw padin ang masusunod??"

"Yan ba ang natutunan mo sa school na yan?!" hindi na nya napigilan ang pagtaas ng boses habang galit na galit na nakatingin sakin.

"This is not about the school nor manners" I tried to be as calm as possible. "Can you just let this one pass? Can I just love him and stay here?"

"No and that's final. You're getting married to Lantis and you're coming with me. That's the only way I thought of para tumino ka na"

The moment she turned her back on me, tears started to run down like waterfalls. It hurts so much that she shut down everything about me. Hindi naman ako nagsalita kahit minsan for the past three years how they abandoned me and leave me here alone. Hindi ko rin sila sinumbatan ng pabayaan nila ako sa ospital. Wala rin akong sinabi ng ipakuha nila sakin ang course na hindi ko gusto. Marami pang bagay pero wala silang narinig sakin. I just became cold and a bitch pero sarili ko lang naman ang sinira ko. Eto na lang ang hinihingi ko, sobra sobra pa rin ba to?

Lumabas ako ng mansyon at dumeretso sa garahe. Kinuha ko ang paborito kong sasakyan at nagmaneho paalis. Nagdrive lang ako ng nagdrive sa kung saan. Kahit saan basta malayo sa babaeng yun. I want to escape from all the pain. I want to see him. Just this once. Kahit ngayon na lang.

Huminto ako sa bahay nila Jared at pinagmasdan ang bintana ng kwarto nya habang nakasandal sa kotse. Bukas pa ang ilaw sa kwarto nya kaya alam kong gising pa sya. Nilabas ko ang handphone ko and as I was about to dial his number when my finger stop and decided to cancel it.

Ano bang dapat kong sabihin? Lahat naman ng pwede kong sabihin masasaktan lang sya. I don't want to hurt him till the end. Why is it so hard to love you? Bakit ba hindi tayo pwede? Tears start to fall again.

"Angel" agad akong napalingon at hindi ko inaasahang makita sya dito.

"A-Anong ginagawa mo dito?" pinahid ko bigla ang luha sa pisngi ko kahit alam kong useless na rin dahil nakita na nya.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon