Starr
It's been a week since I last saw that freak. Naka leave sya. I heard may business trip syang pinuntahan kasama ng daddy nya.
Pagdating ko sa room, agad tumahimik ang kaninang magulo at maingay na room. One week na pero ganyan pa rin sila tuwing pumapasok ako ng room. Ako naman walang pakelam at derecho lang sa upuan ko.
Di pa rin mawala sa isip ko kung anong gagawin ko pag pinatapon na ko sa India. Kung may bar ba dun na walang Indiano akong makikita, kung anong pagkain ang pwede kong kainin na walang curry. Nasa ganun akong pag-iisip ng maramdaman kong may tumabi sakin. Hindi ko na kailangang alamin kahit pa hindi naman sya kumikibo.
"Ang tigas mo pala talaga, Amarie. Ako na nga ang nag-initiate na tabihan ka thinking na kakausapin mo ko pero ako din tong di nakatiis"
Si Kihan ang naging seatmate ko mga one week na. Nagulat nga ako ng bigla syang umupo nun sa tabi ko pero derecho lang ang tingin nya. Hindi rin sya nagtry makipag-usap sakin.
"Maganda kaya sa India?" out of the blue kong tanong.
"Huh?"
"Makakatagal kaya ako dun?" humarap na ko sa kanya. "Tingin mo?"
"Bakit mo tinatanong? Magbabakasyon ka ba dun??"
"Nope. I might stay there for good" binalik ko ang tingin sa bintana habang nakapangalumbaba. Nakakalungkot talaga. Mag-isa na naman ako sa malayong bansa pero mas malungkot ang maiiwan ko dito.
"Teka! Bakit naman? Iiwan mo na kami??"
"Ang OA mo rin minsan. Ano naman sayo?"
"Ah. Oo nga pala. Hindi mo naman ako kaibigan kaya bakit ako mag-aalala sayo?"
"I like your way of thinking now" hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. "Ayaw kitang maging kaibigan kasi masasaktan ka lang"
"Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sakin?"
"I'm just giving you a favorable option"
"Na hindi ko hinihingi. Bitch ka rin naman sa paningin ko if that's what you want. But its not the same way how they labeled you. Para sakin, ikaw ang pinakainteresting bitch na gusto ko pang makilala"
"There's nothing interesting about me. Madidisappoint ka lang"
"Marami kaya"
"Like what?" hindi ko napigilan ang curiosity. Ano nga ba ang tingin ng isang boy next door sa isang tulad ko?
"How you look like if you smile, kung meron pa ba tayong something in common aside sa photography, kung kaya mo bang ubusin lahat ng ice cream na tinda sa convenience store, or if you love music, or kung ano bang--"
"Fine. Fine. I get it. Baka abutin ka pa ng end of the world"
"Pwede rin. Andami ko kasing gustong malaman sayo, Amarie" nakita ko ulit this time ang ngiti nya na parang kay tagal ko ng di nakita.
"It's not easy to be friends with, Kihan. I'm the last person na gugustuhin ng kahit sino"
"Then try me. I want to get closer. Wag mo naman sana kong itulak palayo sayo" hindi ko napigilang mapatulala sa sinabi nya and I can see how serious he was.
"Lahat na lang ba ng akin, kukunin mo?!"
Hindi agad ako napatingin sa nagsalita kahit pa sinlakas ng 6.1 magnitude earthquake ang dagundong ng boses nya because I was still absorbing Kihan's words just seconds ago. Nang magsink in sakin ang sinabi ng lalaki na ng tingnan ko ay si freak pala, para naman daw akong nabingi.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Novela JuvenilTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...