Tame #15

5K 112 13
                                    

Starr

Naramdaman ko ang paghinto ng kotse at ang pagpatay nya sa makina. Marahan kong binuksan ang mata ko na pinahinga ko sandali kanina pero hindi naman ako natulog. Mabilis kong binitbit ang stilettos sa lapag at naalala ko ang clutch bag ko kaya kinuha ko na din at pinasok ang susi ng kotse sa loob. Nakita ko syang lumabas ng kotse kaya naman ganun din ang ginawa ko only to find out na mali ang desisyon kong lumabas. Akala ko ibabalik nya ko sa bar dahil andun yung kotse ko pero nagkamali ako.

Bat nga ba hindi ko napansin na napakalawak ng lugar na pinagdalhan nya sakin. Matagal din akong natigilan habang nakatayo lang sa labas ng kotse. Nabitiwan ko pa nga ang hawak kong sapatos ng hindi ko namamalayan. In a moment, that same familiar feeling rushed in and I felt that sudden urge to throw up again na agad kong napigilan.

Hindi ito ang race track na pinuntahan namin ni Chase dati. Its a different one at higit na mas malaki. Sobrang laki sa totoo lang. Sigurado akong mayayaman at may magagara at mamahaling kotse gaya nya lang ang pwedeng makipagrace. Nakapagtataka nga lang na bukas pa ang lahat ng ilaw sa paligid sa ganitong oras.

"Hoy bat tulala ka jan? Don't tell me ngayon kalang nakapunta ng race track dahil di ako maniniwala. Knowing you have that Aventador tss. Oh wait, racer ka nga ba gaya ng iniisip ko??"

"I don't...race" nanghihina kong sagot habang lagpasan ang tingin sa kanya. I don't care kung pansin nya yun o hindi.

"Hmm mukha nga. You look more of a partygoer na laging lasing sa bar. And let me tell you, hindi bagay sayo ang red lipstick. Mas lalo kang nagmumukhang maldita"

"How I wish I can get drunk even once" wala sa sarili kong sagot and I'm hating myself for being like this. He stared at me as if I'm the weirdest girl he'd ever seen.

"And how I wish I can take off the mask" parang may sariling isip ang bibig ko na basta nalang nagsasalita ng wala akong pahintulot. I still wear the same no expression mask I was talking about. How I wish I can take it away and be that old Starr. Kung sana ganun lang kadali ang lahat.

"Bitch, anong problema mo?" he didn't sound sarcastic upon calling me bitch which was pretty unusual sa gaya nya pero wala ako sa tamang pag-iisip para bigyan ng atensyon ang mga bagay bagay just because of a race track. Race track na hindi ko na gustong balikan pa.

Parang agos ng tubig na mabilis na bumabalik sa isip ko ang malakas na hiyawan ng mga tao, ang mga sagitsit ng gulong ng kotse, ang mga payabangan at murahan ng mga racers. Parang movie na nagpplay sa background. Lahat naalala ko na parang nakikita ko ang lahat knowing na walang tao kundi kami lang sa tahimik at malaking race track na to. Kusang humigpit ang pagkakahawak ko sa clutch bag sa kamay ko at ang pagkuyom ng kamao sa kaliwang kamay.

Matagal na panahon ko ng ginawang bato ang puso ko pero bakit ngayon unti unting nabubuwag na naman ang depensang matagal kong tinayo? Tama na. Ayoko na ng sakit. Ayoko na ng mga alaala at higit sa lahat, ayoko sa lugar na tulad nito. Pain, please let me go.

"Hey. Anong nangyari sayo?" blanko akong napatingin sa kanya ng idantay nya ang kamay nya sa balikat ko habang nakakunot ang noo sakin. Ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sya sakin.

"Uuwi na ko" malamig kong sagot. Bahala na kung san ako mapadpad basta makaalis lang ako sa kasumpa sumpang lugar na to.

"Halika nga sandali" hindi na nya ko hinayaang magprotesta at hinila nalang basta pabalik sa kinapaparadahan ng La Ferrari. Para kong papel na nagpatangay na lang. Nakita kong dahan dahang lumuhod sa harap ko ang isa nyang tuhod habang marahang tinataas ang kaliwang paa ko. Pinagpag nito ang madumi at sugat sugat kong paa saka marahang sinuot ang sapatos na nabitawan ko kanina. Pagkatapos ay ganun din ang ginawa nya sa kanang paa ko. Wala akong nasabi o kahit pa anong reaksyon. Tulala lang akong nakatingin sa kanya na parang nakakita ng multo.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon