Tame #4

6.3K 113 9
                                    

Starr

I'm watching the beautiful beach in front of me while listening to the sound of waves hitting the rock below. I closed my eyes as I breathe in the fresh air and I let my hair dance in the cold wind.

I always like Sundays. It's like an escape from my pathetic life. Nakakapagrelax kasi ako kapag ganitong mag-isa ko at gustong gusto ko ang katahimikan na taliwas sa gabi-gabing ingay ng bar. Syempre gusto ko parin magparty every night pero iba pa rin ang tahimik na paligid dito.

I still can't forget what happened that Saturday night kahit pa dalawang linggo na ang nakakalipas. His features are still vivid in my memory. That argument. That confusing things I felt in between our arguments. Since that night, hindi ko na nakita ang kahit sino sa kanilang dalawa. Why do I care anyway? This is so not me. Sigh.

Tinaas ko sa may mukha ko ang SLR na hawak ko saka kumuha ng shot ng napakagandang beach waves sa baba para makalimutan ang mga alalahanin ko sa isip. This has always been my favorite spot.

Every Sunday, pumupunta ko dito para magpalipas ng oras maghapon pagkatapos kong pumunta ng ospital sa umaga. Uupo lang ako dito, kukuha ng landscape photos at ieenjoy ang katahimikan na hindi matatagpuan sa kahit anong bar. Tinaas kong muli ang cam at sinisilip ang napakagandang view sa viewfinder ng may humarang sa harap ko dahilan para ang likod nya ang makuhanan ko.

"Does it look good with me in the frame?"

Bumungad sakin ang lalaking mukhang Japanese ng mabistahan kong mabuti ang mukha nya. Binaba ko ang camera sa lap ko saka sya bored na tiningnan.

"The view got messed up"

He doesn't looked hurt at parang nang-aasar pang naupo sa batong katabi ng kinauupuan ko. I stare at him for a full minute. Maupo ka na sa kahit saan wag lang sa batong yan. Pero hindi nya naman ako nilingon.

"I don't mind you staring at me all day. Hindi ako magpapabayad" nakangiting sabi nya habang nakatingin sa dagat na nasa harap namin. Napataas naman ang kilay ko sa kayabangan nya.

"There are only two things I like watching. One is a breath-taking scene like this and the other one is a a girl in front of me crying because I steal and dump her boyfriend. Not a Japanese boy next door trying to look cute in front of me"

Binalik ko ang tingin sa SLR na hawak ko at tiningnan ang mga shots na nakuha ko buong maghapon. I heard a refreshing laugh beside me na nakakuha sa atensyon ko. Bahagya akong nakaramdam ng inggit na marinig syang tumatawa that I immediately dismissed.

"So you're a bitch then?"

"Yes" walang alinlangan kong sagot kahit hindi nakatingin sa kanya. I'm a self-proclaimed bitch.

"Interesting" binaba ko ang cam sa lap ko saka sya tiningnan.

"You know what sounds more interesting? It's when you leave this place before I kick your ass off this couple's rock"

"Couple's rock? You mean itong dalawang malaking batong inuupuan natin?" I can see amusement in his eyes. "Hindi ko alam na may unique na pangalan pala tong mga batong to haha. Ibig sabihin ba nun we're a couple now? Ang bilis naman kakakilala pa nga lang natin"

I can't help but roll my eyes when he winked at me.

Tinawag ko tong couple's rock kasi yung dalawang bato na inuupuan namin ang unang naka attract sakin dahil mukha silang couple na nakatingin sa dagat.

"Gano katagal ka ng nakaupo dito?" he asked when I kept my silence.

"I'm not paid to answer your nonsense"

"I really find you interesting habang tumatatagal. Pwede ko bang malaman ang pangalan ng bisita ko?" napakunot naman ang noo ko ng marinig na sinabi nyang bisita ko.

"What do you mean by that?"

"Meet the owner of your very peaceful paradise. I'm Kitsuki Han Silvestre"

He extend his hand while smiling at me. Tinitigan ko lang sya. Hindi ba sya napapagod kakangiti? Parang ni isang beses yata hindi ko man lang sya nakitang sumimangot. Tiningnan ko lang ang kamay nya saka tumayo.

"I don't do handshakes"

"Hahaha iba ka talaga. I don't mind seeing you again here. Pinapayagan kitang pumunta dito kahit kelan mo gustuhin"

"No it's fine. I don't need another company. Isa pa ayokong magkautang na loob sa kahit na sino"

I gathered my cam and bag saka tumayo at naglakad paalis sa peaceful paradise ko. Oh not my paradise pala since the owner is here claiming his paradise. I'm totally running out of luck these days.

"I'm looking forward to see you again!"

He shouted pero hindi ko na pinagkaabalahang lingunin pa. Hindi ko na naabutan sa couple's rock ang sunset na madalas kong hintayin bago ko umuwi. May istorbo kasi eh. Ganun pa man halos papadilim na rin ng makabalik ako sa mansion at napagod talaga kong maglakad.

"Miss, kanina pa po kayo hinihintay ng mga kaibigan nyo sa taas" unang bumungad sakin ang bagong personal maid ko pagpasok ko ng mansion since I fired the last one.

"Bakit daw?" tiningnan ko ang handphone ko at nakitang may 10 missed calls at 8 text messages pala ko. Nakasilent kasi. Ayoko kasi ng distraction pag nasa couple's rock ako.

"Hindi ko po alam, Miss. Pero dumerecho na po sila sa kwarto nyo kanina. Dun na lang daw po kayo hihintayin"

My room?? Crap.

Mabilis kong tinakbo ang matarik na hagdan para agad na makarating sa kwarto ko. Pero sabi ng maid ko kanina pa daw sila dun kaya naman mukhang alam ko na ang aabutan ko.

"Bitches!!!" I almost wreck my door.

"O andito na pala sya eh hahaha" natatawang sabi ni Brea habang sinasara ang malaking scrapbook ko. Mabilis ko namang hinatak sa kamay nya ang libro at tinago sa loob ng studio ko.

"Hindi ko nga akalain na nagkaroon pala ng childhood sweetheart tong si Starr hahaha" dagdag ni Mariko. Si Shen naman hinahayaan lang yung dalawa. Alam nya naman kasi kung anong laman nun.

"Gupit lalaki pa nga eh! Till forever" yung sinabi nya na yun eh galing sa scrapbook ko na hawak nya kanina with dreamy face na parang in character pa. Tsk.

"We're like seeing each other everyday pati ba naman Sunday nakikita ko parin yang mga mukha nyo? And why did you give it to them, Shen?"

"Naunahan nila ko eh. Kasalanan ko ba kung pahara-hara yang mga gamit mo?"

"Wag kang madaya noh. Ang lagay eh si Shen lang ang may alam wag ganun!" Brea said.

"Whatever. So bakit ba kayo nagpunta dito?"

"Ewan ko jan sa mga yan. Hinila lang ako dito eh" sagot ni Shen.

"Let's visit Chase! We should support him diba since this is to get even with your jerk-ex hahaha"

Nagkatinginan kami ni Shen upon hearing Brea. Nanahimik kami about that and just told the two of them na busy si Chase.

"Pano nyo nalaman?" I asked.

"Duh. Of course Chase told me ng kumustahin ko sya kasi MIA sya these days" Mariko answered.

Crap. This is bad.

"Alam nyo girls, this is important for Starr and kailangan din mag concentrate ni Chase diba? So mabuti pa sa tournament na lang tayo manood diba?" Shen tried to persuade the two.

"Sige na nga! Sa tournament ha?"

"Yup. Sa tournament"

Shen gave me a secret thumbs up and I nod at her. Better than now. Saka ko na lang iisipin pag malapit na ang tournament.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon