Starr
Gabi na natapos ang rehearsal kanina pero ang mas kinainis ko ay yung hindi ko makita kahit saan si Jared. I need to head straight to the hospital but still need to hurry dahil kailangan pa namin tapusin ang blueprint na project.
Nagtaxi na lang ako papunta sa bahay nila and while on my way, tinawagan ko muna si Ate Marcia para makausap si Lucio.
"Hello baby, oo medyo malelate lang si mommy kasi may tatapusin lang na project na isusubmit bukas. Ha? Daddy Jared??" nagpapakumusta pa and he sounded so happy sa kabilang linya. Napailing na lang ako. "Okay I will. Wag mo na ko hintayin kumain. You go eat na with Ate Marcia pag ginabi ako masyado but promise I'll be there before you sleep okay?"
"Mam nandito na po tayo" napatingin ako sa driver ng taxi at paglingon ko sa labas, nasa tapat na pala ko ng guard house. Bawal daw taxi sa loob. Tumango na lang ako sa driver.
"Sige na Lucio, Mommy's gotta go. I love you too"
That guy, ugh. Kung sa school na lang namin ginawa o kung hinintay nya man lang sana ko at hindi yung basta na lang sya nawawala eh di sana hindi nasasayang ang oras namin. Palibhasa sobra sobra ang oras nya sa isang araw eh. Nagbayad na ko sa driver saka agad na lumabas.
Pagod na ko sa practice, paglalakad at paghihintay. Gutom na gutom na rin ako. Kung hindi lang nandito na ko sa tapat ng bahay nila, parang mas gusto ko pang umuwi na lang. Naghintay pa ko ng another five minutes bago may isang pamilyar na babaeng nagbukas sakin ng pinto.
"Amarie? Ikaw nga ba yan iha??"
"Ako nga po. Kumusta po?" sagot ko sa yaya ni Jared na nagbukas ng pinto.
"Mabuti naman. O bat nagawi ka rito? Gabi na ah! Teka naglakad ka lang mula gate??"
"Ah eh" ayoko na sana magpaliwanag kasi gusto ko na magsimula at matapos tong blueprint na to. Balak ko kasi na sa ospital na kumain para masamahan ko na si Lucio kaso sa nangyari, mukhang malabo. "Ah ano papatulong lang po kay Jared. Alam nya pong pupunta ko ngayon, I think? Nandyan po ba sya?"
"Ah ganun ba? Oo kanina pa sya nandito. Nasa taas at naglalaro. O sige pasok ka na iha!"
"Salamat po"
I tried so hard to answer calmly. Pinagod nya ko at pinaghintay tapos naglalaro lang sya sa bahay? Pinapasok ako ni yaya Rosa sa malaki nilang living room. Mas malaki to I think sa mansion namin. High ceiling din with top of the class furnitures, ilang paintings sa walls na puro landscapes kaya inadmire ko muna for a while yun. Hindi naman sya naiiba sa mansion namin kung tutuusin. Ganun siguro talaga ang taste ng mayayaman. Saktong pababa naman si Jared ng matarik na staircase. Naka denim shorts lang sya and white shirt pero hindi parin nakaiwas ang mata ko na matulala sa kanya.
"Don't drool, Starr. Lagi ka na lang natutulala pag nakikita mo ko hahaha"
"Tss. Jerk" binaba ko sa center table ang mga dala ko. "Ang dami mo palang extrang oras para maglaro sana ikaw na lang tumapos ng lahat ng to. Let's start. Sayang ang oras"
"Ang atat mo. Kalahati na lang naman ang kulang dyan. Wala pang dalawang oras tapos na yan. Come let's eat first. Mamaya na yan"
"Ngayon na natin gawin. Kailangan kong makauwi agad"
"Don't be stubborn. Hindi pa din ako kumakain kaya tara na"
I know he's gonna drag this longer and I feel sorry for Lucio na hindi ko masasamahang kumain dahil sa lalaking to. Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga at tahimik na sumunod sa dining room nila.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Novela JuvenilTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...