Starr
Nakahalukipkip lang ako habang prenteng nakaupo sa loob ng La Ferrari. Napakaganda talaga ng sportscar na to lalo na sa loob. I glanced secretly at the steering wheel at agad kong nakita ang Ferrari logo sa gitna habang nakahawak ang dalawang kamay nya on the sides. Ang sarap upuan ng red leather seat nito na very comfy din. I even run my fingers gently on its seatbelt na nasa chest ko. I love my Lamborghini pero iba ang isang to. We were driving in silence for about ten minutes now. Kahit na ba may nakakairitang lalaki akong kasama, being inside this luxurious car I can say na pakonswelo nalang to.
"Fuck!" hindi ako nagpakita ng pagkagulat ng malakas syang nagsalita saka pinukpok ang dalawang kamay sa steering wheel.
I can see on the side of my eyes that he's totally pissed pero hindi ko man lang sya nilingon at derecho lang ang tingin sa kalsada with a calm expression na para bang wala akong katabing freak na umuusok ang ilong sa galit. I almost threw myself outside his car ng malakas syang pumreno.
I know he's mad. Pero diba ako ang may karapatang magalit dito dahil basta nya nalang ako hinila at pinasakay sa kotse nya? Isa pa hindi ko pa nakakalimutan how he used me para pasakitan ang ex nyang ayaw na sa kanya. The hell so what kung kasalanan ko bakit sila nagbreak? Hindi excuse yun para gamitin nya ko to get even. Ayoko sa lahat ng ganun. Kahit na bitch ako, hindi ako manggagamit. I can get even without using someone for my advantage.
"Get out" napatingin ako sa gawi nya ng magsalita sya asking me to get out of his car. Nababaliw na ba sya? Iiwanan nya ko sa gitna ng kalsada na walang kotse?
"No" this time lumingon na sya sakin with an angry face.
"This is my damn car and I can do whatever I want. Masyado ka naman nagenjoy makasakay sa mamahaling kotse"
"So? Sinong tatangging sumakay sa ganitong kotse?"
"Social climber"
"What??" nagpanting talaga ang tenga ko sa sinabi nya. May social climber bang nasa upper class society? Kala mo hindi nya nakita yung Lamborghini ko kanina. Kung kotse lang ang pinagmamalaki nya kayang kaya ko rin bumili ng ganito...or not. Peste kasi yung devil na yun. Ginigipit ako recently.
"Mukhang ngayon kalang nakasakay sa ganitong sasakyan eh. Since pinagbigyan na kita, bumaba ka na"
"Pano kung ayoko?" I threatened. Tiningnan nya ko ng masama saka tinanggal ang seatbelt nya at lumabas ng kotse. Nakita kong lumigid sya sa passenger side at marahas na binuksan ang pinto saka tinanggal ang seatbelt ko at sapilitan akong pinalabas ng sasakyan.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" pabalya nya kong binitiwan ng tuluyan nya kong mailabas ng kotse.
"Looks like you want to get out the hard way, bitch" mabilis syang bumalik sa may driver's side at papasok na sana sa nakabukas na pinto ng magsalita ako.
"Akala ko ako ang heartless bitch dito but you prove to me that you're also a jerk. Aside sa pagiging isang freak of course" walang emosyon kong sabi.
"What did you say??"
"Ang galing mo rin eh. Iiwan mo ko sa gitna ng kalsada na walang katao tao matapos mo kong gamitin para pagselosin ang ex mong wala ng pake sayo. Di bale ng heartless bitch kesa naman isang user" his jaw tightened.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...