Tame #42

3.8K 62 10
                                    

Starr

Pain occupies a large portion of my heart right now pero sa kabila nun, hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong hanapin si Jared para makausap. I know for a fact that it might damage my heart even more kapag narinig ko ang mga sasabihin nya pero gusto kong magsorry.

Alam kong nasaktan ko na naman sya. Ilang beses ko na ba syang nasaktan? I'm not fit to protect his heart.

Naglakad ako ng naglakad. Tulalang naglalakad. Ang dami ko nang nabunggo pero derecho lang ako kahit nagagalit na ang iba. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Gulong gulo ang utak ko. Nararamdaman kong napapatingin sakin ang mga taong kasabay kong naglalakad pero wala akong pakialam dahil kailangan ko syang mahanap.

Kalat na ang dilim sa paligid pero hindi pa din humihinto ang mga paa ko sa paghahanap sa kanya. San ba sya pwedeng pumunta? Kung dala ko lang sana ang kotse ko mas madali ko syang mahahanap. Hindi ko namalayan na dinala na pala ko ng mga paa ko sa lake na pinuntahan namin noon. Hindi ko alam pero nagbakasakali ako. Gabi na at ramdam ko na ang lamig ng hangin sa paligid. Naglakad pa ko sa tabi ng lake at nakita ko ang isang taong kilalang kilala ko kahit nakatalikod.

Sa wakas...nakita din kita.

Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung san ba ko dapat magsimula. Hindi ko masabi ang mga salitang nasa isip ko. Lumingon sya sakin at nagulat ako. Ibang iba sya. Hindi ang Jared na kilala ko ng mga huling araw o kahit pa simula ng nakilala ko sya. Hindi sya ang nakangiti at mapang-asar na taong gustong gusto ko sa lahat. He stare at me with the coldest eyes I've ever seen. Nakaramdam ako ng takot. Eto ba ang resulta ng ginawa ko? In a snap nagbago ng tuluyan ang taong minahal ko?

"J-Jared..." sa wakas nahanap ko ang boses ko. Wala syang sinabi at derecho lang na nakatingin sakin. "I--I'm so sorry. I'm really really sorry" napayuko ako. Natatakot sa mga maari nyang sabihin.

"Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang salitang yan? Kaya mo naman palang sabihin. Paulit-ulit pa nga"

Nanatili lang syang nakatingin sa lawa na nasisinagan ng buwan. Tumingala ako sa langit. Walang kahit isang bituin. Maging ang maningning na si Starr na pinangalan ko hindi ko din makita. Sigh.

"I'm sorry" I bit my lower lip.

"I now understand it. Hindi nga kayang baguhin ng sorry lang ang nangyari. Kahit ulit ulitin mo pa, it will never change the fact that you ruined my life from the very start"

Hindi ko magawang pumiyok o kahit man lang ipagtanggol ang sarili ko. Sobrang sakit na kasi.

"How stupid of me to believe or even trust you. Bakit ba kasi nakilala pa kita? My life was a whole lot better without you. Sana hindi ka na lang namin nakilala"

"J-Jared please don't say that. It...hurts"

"It hurts?! Hah! Do you even know that word?? Wait, can you even feel my pain or you don't since I'm trying so hard not to lose myself because of too much hatred of you??"

"H-hindi ko sinasadya. Please wag mo naman akong kamuhian ng sobra" mahina kong sagot. Hindi ko magagawang pagtaasan sya ng boses.

"Nakakagago ka, Starr. I can't stand the fact that I'm with you and not at her! I can't believe I let you fool me twice. You fooled me while pretending to care for me. I'm sick and tired of you!"

Ang sakit sakit na. All along he's hurt being with me. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong gawin sa sitwasyong ito. I'm so frustrated and so angry with myself.

"She's the one I love, my everything. And in just a snap you took her away from me just because of that fucking rules?! How could you?! I won't forgive you. You only proved to me that bitch will always be a bitch. Kaya pwede ba, stay away from me from now on hanggat kaya ko pang pigilan ang sarili ko"

"I--I can't do that" saglit syang natahimik.

"Well then I won't ask you to. But better be ready. Because every minute you tend to stay with me is hell. It's up to you" ako naman ang natahimik.

Hindi ko na makita yung Jared na kilala ko. I changed him for the wost. Iniwan nya akong tulalang nakatingin sa lawa. Gustong gusto ko syang habulin at pigilang umalis knowing that when he leave this place, I won't be able to hold him back. Pero ang mga paa ko hindi ko maigalaw para habulin sya. So I said instead...

"Even if you hate me that much, I still love you"

Naramdaman kong bigla syang napahinto. Humarap ako pero nakatalikod pa din sya sakin.

"I said I love you, Jared. I don't care if you hate me so much. I will still protect you and watch over you even though I know you can't love me back. Please let me be with you during the darkest nights of your life" humarap sya sakin with a cold and blank face.

"Do you think you're in a position to confess your feelings? Fine. I'll give you a straight answer since you asked for it. I will never love you. Not in this whole life. Not until you die"

Napakasakit ng mga binitiwan nyang salita. Dahan dahang pinapatay ang puso ko. His dead expression made me lose my senses. Oo alam ko naman na hindi nya ko mahal. Pero umasa pa din ako na baka kahit konti lang may space ako sa puso nya. Umasa na naman ako at nabigo.

Naiwan akong nakatayo at tulalang nakatitig sa kawalan. Hindi ko alam kung gano na ba ko katagal nakatayo sa lugar na yun. Sobrang sakit! Ang sakit sakit! At hindi ko to napaghandaan. Too soon and yet too late for me to realize that I fall for him so hard I don't know how to escape.

I felt a drop of water on my cheek. Could it be that finally I'm going to cry after all that happened? Gusto ko yun. Ngayon ko lang ginustong umiyak ulit. I brushed my finger on my cheek and through my eyes but there's no trace of tears.

Sunod sunod pa ang patak hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. The cold breeze along with the heavy rain soaked my body entirely in a snap. It reminded me that rain know what you feel and it's always the sad things when it pours.

Naalala ko ang gabing yun na makita ko syang tulalang nakatayo sa ilalim ng ulan. Ganito rin ba ang nararamdaman mo nun ng iwan ka ni Fia? Sobrang sakit nga pala kaya hindi kita masisisi kung nagawa mong tumayo ng ilang oras dun sa kabila ng lamig.

This is too much. Hindi naman ako ganun kalakas para bigyan ng ganito katinding pagsubok. I'm just so tired right now.

Nagulat na lang ako ng may biglang humila sa braso ko and the next thing I knew, I'm thrown in someone's arms. Hugging me tight. It's so comforting. I looked up and there I met his eyes.

"Take a rest now. Nandito na ko"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon