Tame #32

4.3K 72 16
                                    

Starr

Nandito kami sa isang empty room at nagppractice ni Kihan para sa special audition next week. After class, nagppractice kami kaya madalas gabi na rin ako nakakauwi. I felt guilty na nga dahil pakiramdam ko napapabayaan ko na si Lucio pero inisip ko na lang na para sa kanya rin naman ang ginagawa ko. Pag napatapon ako sa India, wala ng mag-aalaga sa kanya. Sa audition na to nakasalalay ang buhay ko kaya naman seryoso talaga kami dito. I badly wanted to focus kaso maya't maya sumisingit sa isip ko si Jared which frustrates me at ang isa pang taong dahilan bakit hindi ako makapagfocus. Kaya tuloy nagtatagal kami ni Kihan dahil nagsskip ako ng lines.

Sino ba talaga ang babaeng yun? Paulit ulit kong tanong sa isip ko.

"Bukas na lang ulit, Amarie"

"Huh? But we need to practice. Next week na yun. We don't have much time. Hindi pa natin nappractice yung song" pinatong nya ang magkabilang kamay nya sa balikat ko saka ako tinitigan.

"I know. Makakapasa tayo okay? You better rest. Wag ka na masyado mag-isip ha?" he assured me with his smile kaya naman napatango na lang ako.

"Siguro nga pagod lang to. Sige bukas na lang, Kihan"

Pag-uwi ko sa mansion, pabagsak ko lang inihiga ang katawan ko sa kama at tulalang nakatitig sa kisame.

Sino ka ba talaga?

Hindi mawala sa isip ko ang conversation namin ng unknown caller na yun kagabi. Isa kaya sya sa mga nabitch ko? Pero wala akong maalalang may ganun katinding galit sakin. At pano nyang nakuha ang copy ng rules ko na nandito sa kwarto? Mas malaking gulo to.

"Diba kaya mo naman talaga hinayaan ang nagawa ng apprentice mong si Cheska is because you really treated Red as your subject?"

"Who are you? What the hell are you talking about?"

"Red is a special subject diba?"

"Bakit kilala mo rin sya? Sino ka ba talaga??"

"Gaya nga ng madalas mong sabihin, I'm your worst nightmare"

"Shit"

"Somehow you wanted that kind of relationship diba? Kaso ni minsan hindi mo nakuha. Listen to this. Starr's Special Rules. One. Subject should be in a relationship for more than two years. Two. He should be a loyal boyfriend. Three. A one woman man. Four--"

"What do you want? Pano mo nakuha yan?"

"I have thousands of ways against you. I want you to feel the pain, Starr. Hindi ako titigil hanggat hindi ka nasasaktan ng sobra. I won't stop until I saw you in front of me...ruined"

Sinulat ko ang special rules na yun sa likod ng papel ng Rules ko. But it was not intended to be on purpose to use on any couple or subject. But that girl made it look as if I have that rules to ruin a couple. Siguradong hindi nya nakita ang nakasulat sa baba nun na sadya kong sinulat ng maliit na nakatago sa printed border.

If that kind of subject exists, I will stop being a boyfriend stealer.

*****

Hindi ko nakita si freak buong maghapon. Hindi nga ata sya pumasok kasi sa lahat ng klase namin wala sya. Nabaliktad na ba ang mundo at sya na ang nagccutting ngayon? Nagpractice lang kaming dalawa ni Kihan kanina tapos umuwi na din ako. Pang good girl ang ganitong araw ah. Yun bang papasok sa school, magiging productive tapos derecho uwi. Naisip kong tingnan muna ang studio ko sa kwarto. Ang tagal ko na rin palang hindi nakakacapture ng shots. Naalala kong may sasalihan nga pala kong competition by the end of the year. Napakabusy ko naman kasi lately at nawawalan na pala ko ng oras sa hobby ko.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon