Tame #11

5.3K 82 8
                                    

Starr

Lumipas na naman ang isang linggo. Maaga kong naligo at nagbihis para pumunta sa usual place I visit every Sunday morning.

"Starr" narinig ko ang pamilyar na boses ni Shen sa labas ng kwarto ko. Pinagbuksan ko sya ng pinto at naupo sa kama.

"It's Sunday, Shen. What are you doing here?" hinila nya ang swivel chair sa may desk ko saka naupo sa harap ko habang nakapatong ang dalawang braso sa sandalan.

"Anong ginagawa ng wannabitch na yun sa grupo?" straight to the point nyang tanong totally ignoring my question. Napabuntong hininga na lang ako. Pati ba naman sa araw ng pahinga ko kailangan ko parin problemahin ang babaeng yun?

"She passed that's all" walang emosyon kong sagot.

"Ako pa ba, Starr? Ako pa ba ang paglilihiman mo?"

"Ano bang gusto mong malaman? Nakapasa nga sya"

"I wanna know her subject so I can find out kung totoo nga yang sinasabi mo. Alam mong madali lang para sakin na malaman yun, Starr"

"It's just a random guy. Walang big deal dun"

"It's a big deal to me. Oh sige mukhang nahihirapan ka sa mga tanong ko eh. Actually I already know the guy" naraise ang curiosity ko sa sinabi nya.

"How?"

"Sa buhay natin Starr, sobrang liit lang ng mundo. Napakaraming jerk sa mundo natin. Kaya ka nga naging stealer diba? Because of those jerks. Gusto ko lang malaman sayo mismo why did you take her in kung alam mong hindi sya talaga pasado"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na nakapasa nga sya? Bat ba ang kulit kulit mo ngayon, Shen Marie??" tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at kinuha ang kaha ng sigarilyo at nagsindi. Tumayo ako sa may veranda while smoking.

"We both know that she didn't pass, Starr" tumayo sya sa swivel chair at tumabi sakin. "Una sa lahat, walang fifth member ang bitches. Right? You hate the number five don't you? Kaya imposible yang sinasabi mo" natahimik lang ako sa sinabi nya. "Pangalawa, you simply dislike her. Or I might say...you hate her sa simula palang diba?"

"So? Pwede namang mabago yun ah"

"Fine. Pagbibigyan kita sa mga alibis mo. But it's you who said that rules are rules. No excemption yet she broke your rules" she grinned. "Now tell me. May natitira pa bang dahilan para isipin kong mali nga ako?"

"You really know me too well, Shen" pabuntong hininga kong sagot.

Bat pa nga ba ko nagtataka? Shen is a very smart woman. Madalas kagaya ko nakatahimik lang yan, nakikipagflirt with her guy but she's a keen observer. She has her own discreet ways to know everything.

"That's why I'm your bestfriend, Starr. It's not a label for nothing"

"Sige nga, tell me why I accepted her?"

"Because you're confused, Starr. You're starting to get affected aren't you?"

"Of course not. Subjects are not someone I can sympathize with"

"Pero hindi nga sya subject diba? Kaso nangyari na. It will be troublesome if he finds out. Alam ko yun. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit hindi mo sya hinayaang solusyunan ang gusot na ginawa nya? That's the most sensible thing to do diba? Kaya nga ako nandito eh. I want to know what are you thinking, Starr"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon