Tame #67

2.6K 54 0
                                    

Red

"Mahal pa rin kasi kita eh"

Pakiramdam ko, ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo nang marinig kong sabihin nya ang mga salitang yun. I simply stare at her now expressive eyes. Nabuhayan ako ng pag-asa sa nakita ko na baka sakaling hindi pa huli ang lahat. Ilang araw na lang at musical na. Hindi na ko makapaghintay na bumalik sa kanya, sa babaeng sobra sobra kong mahal.

"...but we're just not meant to be" she added and she contentedly smiled at me. "Let's go, Ja. Time is ticking so fast. Let's enjoy the rest of the night"

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nya sa kamay ko while we're walking down the rooftop and out of the school. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. I've never been so happy just by simply holding a girl's hand. Sana hindi na matapos ang tatlong oras.

Please don't give up on me yet, Starr.

"You're thinking too much, Ja" natatawa nyang sabi.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya na para bang any minute maari syang manakaw sakin. Napatingin sya sa magkahawak naming kamay bago huminto ang tingin sa mukha ko.

"I wish I can tell you how happy I am to meet someone like you, Starr"

"You can never find another me, Jared. Hold my hand...tight"

"I won't let go even if you do"

Saglit syang napatitig sa mga mata ko bago ngumiti. Napakasarap nyang tingnan na ngumingiti na ulit dahil sakin.

We enjoyed the rest of the night or rather the whole morning. Christmas is in the air. Maraming stalls for the night market at inenjoy lang namin ang kabuuan ng magdamag. Eating. Trying something new. Holding hands. Laughing together. Minsan nagkakaasaran padin pero so what? Ganun naman na talaga kami. Paminsan minsan napapatingin ako sa gawi nya at nahuhuli ko rin syang nakatingin sakin and it felt so good. Mga simpleng moments na hindi ko ipagpapalit. Mahal ko na nga talaga sya and I can't wait to make her mine. My shining Starr.

"Tapos na ang three hours, Ja" napatingin ako sa wristwatch ko and it's past 3am already.

"Oo nga. Ang bilis naman"

"I-extend natin tara!" hinila nya ko pasakay ng kotse ko na nakaparada di kalayuan. Nagulat ako ng sya ang pumunta sa driver's seat kaya naman sumakay na lang din ako sa kabila.

"We still have classes tomorrow, Starr. San ba tayo pupunta?"

"You'll see. Seatbelt please" sinunod ko naman sya at nagdrive na paalis. After about 30 minutes, we stopped. Bumaba sya ng sasakyan at patakbong lumabas. "Jared! Come here!" she's waving at me to get out and I saw her sitting on one of the two big rocks. Nasa mataas kaming lugar kung saan dinig ko ang hampas ng alon sa baba. Paglapit ko sa kanya ay hinila nya ko sa wrist paupo sa katabing bato.

"How do you know this place?"

"Actually favorite place ko to dati when I want to be alone. Tapos dala ko yung cam ko and then I just capture shots all over"

"So hindi mo na paborito ang lugar na to ngayon?"

"I still love this place pero nung nalaman kong si Kihan pala may-ari nitong property, I stopped coming here. Dito ko rin sya unang nakilala. Gusto ko tong couples' rock na inuupuan natin. Yun kasi ang pinangalan ko sa dalawang batong to. They look like a couple to me as if watching the beautiful sceneries"

"Then let's get out of here. I don't want you to remember--"

"I enjoy being with you right here so don't mind it because of Kihan. I promise magugustuhan mo ang makikita mo dito"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon