Tame #18

5.1K 91 11
                                    

Starr

"How are you feeling now?" inipit ko muna sa legs ko ang hawak kong walis tingting para mahawakan ng maayos ang phone ko.

"I'm better now, Mommy. When are you going to see me?"

"I'm still busy with school pa eh. I'll see you on weekend ha? Pakabait ka jan and take a rest okay?"

"Opo mommy. I love you"

"Love you too, baby"

I hang up pagkatapos kong makausap si Lucio sa phone. Sinabi ko na rin naman sa kanya na tuwing Sunday lang ako pwedeng bumisita and he understands. Napakabait talagang bata ni Lucio. Gustuhin ko man kasing magstay dun everyday, hindi pwede dahil baka mahuli kami ni devil. Though I still visit him everyday pero just to check lang. Pag emergency dun ako natutulog.

"Baby huh?"

I saw freak standing beside me with crossed arms at mukhang kanina pa sya nakatayo dun. Di ko na sya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagwawalis sa may gilid ng faculty. Yun kasing old maid na yun pinagwalis ako ng paligid ng faculty office for my DA. Ang dami pa namang nalaglag na dahon dito. Kainis ni hindi pa nga ako nakakahawak ng walis buong buhay ko eh.

I declined kaso handang handa na syang tawagan ang devil na yun para ipaalam ang ginawa ko. Tapos sasabihin nya pang 1 week akong hindi pumasok. Mukhang inalam nya talaga pano marreach si devil kahit nasa ibang bansa. Galing ha, ako nga di ko alam kung nasan sya. Mas pipiliin ko pang magwalis kesa ipatapon sa lintek na bansang yun.

"Okay palang past time ang panoorin kang nagwawalis. Never in my wildest dream na makikita kitang ganito" nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nya sa harap ko.

Napahikab na lang ako ng di sinasadya. Inaantok pa kase ko talaga. Unti unti namang nawala ang ngisi sa labi nya at mukhang akala nya inaasar ko sya. Eto na naman yang mga akala na yan eh.

"Kahit di ka magsalita alam mo, bitch ka pa din"

Talk to my hand. Wala kang mapapala sakin. Kung hindi kita maiiwasan at lalapit ka pa din sakin, ikaw din ang kawawa. Pano na lang pag nalaman mong ako ang dahilan bakit ka miserable ngayon, makangisi ka pa kaya ng ganyan or better yet lapitan at kausapin mo pa kaya ako? Tsk. Tuloy lang ako sa pagwawalis dahil parang di maubos ubos tong mga lintek na dahon na to. Bat ba kasi nagtanim tanim pa ng puno kung nagkakalat lang, tapos papalinis.

"Hoy ano ba! Kanina pa kita kinakausap ah!"

Sya na nga ang dahilan bat ako humahawak ng walis ngayon tapos sya pa may ganang magalit. Pagbigyan na may pinagdadaanan eh. Nang hindi ko parin sya pansinin, kinuha nya bigla ang hawak kong walis saka tinapon sa malayo. Inuubos talaga nito ang pasensya ko eh. Tiningnan ko sya ng walang emosyon for a couple of seconds bago walang kibong naglakad at kinuha ang walis tingting na binalibag nya. Aish. Wala ba syang magawang matino?? Yumuko ako para damputin ang walis pero mabilis na pala syang nakalapit at sinipa ulit ito palayo.

"Ano bang problema mo? Papansin ka alam mo yun?"

"Yan! Nagsalita ka din! Kala ko nakain mo na yang dila mo eh"

"O ano masaya ka na jan?" inis kong kinuha ulit ang walis tingting. Kinuha nya na naman sakin yung walis pero hindi na nya tinapon. I looked at him with no emotion as I always did. "Naiinggit ka ba sa ginagawa ko? Gusto mo kaw na tumapos"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon