Tame #13

5.1K 99 13
                                    

Starr

"No show parin si wannabitch ah. Hindi kaya mag-quit na yun?"

"Yaan mo sya. Mas maganda nga yun"

"Pero bukas makikita na natin yun sa school. Diba nasabi nyang nag-enroll din sya sa DVU?"

"Oo nga pala. Problema yun kung gawin nya rin sa school yung mga ginagawa nya. Ei Starr, wala ka bang balak gawin tungkol dun? Ayoko ng bad image agad sa school baka hindi ako makapag boy hunting!"

"Just quit whining, Mariko" ngumuso na lang sya.

"Special night daw ngayon dito. May banda daw na tutugtog"

"Eh di walang crazy night? Aww" sagot ni Mariko.

Ang crazy night na sinasabi ni Mariko eh walang disco. Walang sayawan. Ang boring pala.

"Lipat nalang tayo"

"Try lang natin, Starr. Mapagod ka naman sa kakasayaw. Gusto mo kumanta ka naman? Haha"

"Leche ka Shen Marie tigilan mo ko"

"KJ naman neto"

Naupo nalang kami sa isang couch sa may gilid ng stage. Lumapit agad samin yung waiter ng Lake District.

"Same beautiful ladies?" nakangiti nitong tanong.

"Yup" sagot ni Brea.

"Right away" umalis na yung waiter para kunin yung drinks namin. Hay ang boring naman pero kahit Tuesday marami paring pumunta ha? Strange.

"Gwapo!"

"Hot!"

"No! Greek Gods"

Di ko pansin ang bulungan sa paligid. Actually parang lahat ng marinig ko ay tungkol sa mga gwapo at hot na racers daw. Who cares about racers? Payabangan lang naman ng mga kotse. Sana ba may binatbat sila sa track. Abala lang ako sa pagttweet sa half a million followers ko. Di ko nga alam kung anong napapala nila sa pagfollow sa isang bitch na wala namang kakwenta kwenta ang tintweet gaya ko. Baka kumukuha ng tips kung pano maging cool na mayamang bitch.

"Restroom lang ako"

Hindi man lang nila ko pinansin. Para silang may sariling mundo na nagcchismisan kung pano sila magpapapansin sa mga eye candies nila. Wala kasi akong interes sa ganyan. Interesado lang akong makipagflirt sa mga lalaking pwede kong maging subject. Nothing more. Nakakadala kasi yung gagong Kysler na yun. Parepareho lang ang mga lalake. Hindi ako man-hater pwede ba? Walang kwenta kapag walang lalaki sa mundo. Kaso wala akong panahon ngayon para pumasok na naman sa isang seryosong relasyon. Boyfriend-girlfriend thing is something to cherish. Hindi yun pastime para sakin. Flirting oo but not THAT thing.

Nagretouch lang ako sa restroom. Nagpahid lang ng red lipstick na madalas kong gamitin twing nasa bar ako. Dapat sa lips ko palang tutulo na laway nila sakin. Nang makontento na ko sa napakaganda kong mukha, lumabas na ko ng restroom. Madilim na sa paligid at ang stage nalang ang may spotlight.

"Hey"

Nakuha ang atensyon ko ng bandang nasa stage. Mga gwapo naman pero di ko kilala so pakelam ko. Di kaya yun yung mga sinasabi ng mga tao na hot whatsoever? Pero bakit kung makadescribe naman sila parang sobrang gwapo talaga ng mga yun eh ang nasa stage para sakin average lang. Ah racers nga pala ang sabi. Masyado kasi akong malilimutin sa mga walang kwentang detalye.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon