Tame #61

2.8K 54 10
                                    

Starr

"Third, may tatanong ako" tumayo na ko para lumayo kila Kihan, Uno at Zach to have a private talk with him.

"Hoy magsosolo na naman kayong dalawa. Nakakahalata na ko ah!"

"Nagseselos ka na naman, Uno! Humanap ka na lang kasi ng iba" Zach mocked Uno.

"May gusto ka kay Amarie?!" gulat na tanong ni Kihan.

"Bakit pare? May problema ka ba dun??"

"Kung meron??"

"Aish! Third ano ba?!" inis na sigaw ko kay Third kasi nakaupo parin sya habang pinanood ang mga kaibigan.

"Oo na po!" tumayo na si Third kaya nagtinginan naman samin yung tatlo. Hindi naman kami sobrang layo sa kanila. Just a few meters para hindi nila kami marinig. "Oh bakit?"

"Ano number ni Jared? Bilis!"

"Ano?? Pinapunta mo ko dito para itanong lang yan? Ayoko. Hindi ko bibigay sayo"

"Third, bilis na! Importante nga eh"

"Magpapakatanga ka na naman sa kanya kaya ayoko" akmang babalik na sya sa pwesto namin kanina ng hilahin ko ang manggas ng tshirt nya.

"Last naman na to eh" napakunot ang noo nya sakin. Napabuntong hininga na lang ako. "This will be the last time na magpapakatanga ko sa kanya. Okay?"

"What are you talking about, Starr?" he asked seriously.

"Ibabalik ko na kasi sya sa mahal nya"

*****

Red

Hindi ko ineexpect na makareceive ng text mula kay Starr kanina. Ni hindi ko na nga napagkaabalahang itanong kung pano nya nakuha ang number ko.

Ja, meet me sa may garden sa likod ng villa. 9pm sharp. -Starr

Why?

May surprise kasi ako sayo. Sana magustuhan mo.

Bumait ka na ba sakin?? Haha

Matagal na kong mabait sayo. Sadyang manhid ka lang. Psh.

Paparinig ka ba?

Sinabi ko na nga diba? Basta mamayang 9. Wag kang malelate o masyadong maaga. Just in time okay? See you!

Hindi ko maiwasang mapangiti sa text conversations namin ni Starr na paulit ulit ko paring binabasa ngayon. Sya kaya? Nakangiti rin sya habang nagbabasa ng text?

Sa sobrang excitement ko sa sinasabi nyang surprise, di ko napigilang pumunta agad. Pero at least 5 mins early lang kasi baka matalakan na naman ako. Pagdating ko sa hidden garden ng villa, napakamot na lang ako sa ulo dahil wala namang kahit anong special sa lugar.

"Okay lang maaga pa naman. Kaw ang lagot sa kin pag pinagtripan mo lang ako"

Naghintay pa ko ng 10 mins bago ko nakita ang simple surprise nya. Bigla kasing bumukas ang mga dim light sa may kubo na nasa bandang dulo ng garden at nakita ko ang cute na pagkakaayos ng table for two sa loob nito.

Pumasok ako sa kubo at nakita kong neatly arranged ang simpleng utensils ng villa at may isang isang yellow tulip sa gitna ng maliit na table. May nakasindi pang kandila sa center table. Sa gilid naman ang food na nakatakip. Mamaya ko na lang titingnan kung masarap ba yun haha. Nasan na ba yung babaeng yun? Wag daw malelate sya naman tong late.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon