Tame #64

2.7K 44 2
                                    

Red

"Red, can we talk?"

"Okay" nasagot ko na lang habang nakatingin sa likod ni Starr na saglit na napahinto bago naglakad palayo samin.

Sinabayan sya ni Kitsuki na narinig ko pang nag-aayang magcoffee bago umuwi. Naunang naglakad si Fia patungo sa likod ng gym at nakasunod lang ako.

"What is it, Fia?" napahinga muna sya ng malalim. I'm really clueless what this is all about. Ang alam ko kasi tapos na ang issues between us.

"Red..." I want to be patient para hintayin sya sa sasabihin nya kaso the more na nagtatagal ako sa tabi nya, mas lalo rin akong napapalayo sa totoong mahal ko and I don't want that.

"Fia, what is it?"

"Red...hindi ko kaya"

"Hindi kaya ang alin?" I asked in confusion. Hindi ko kasi maintindihan o baka naman ayoko lang talagang intindihin ang kapupuntahan ng usapang to.

"I can't afford to lose you, Red. Hindi ko kayang mawala ka na naman sakin. Please Red, sakin ka na lang kasi"

"We already talked about this, Fia. Sana maintindihan mo rin ang sitwasyon ko. Masakit din naman sakin gawin to pero masyado ng matagal at masakit para sa kanya. Ayoko ng saktan pa sya"

"Kaya okay lang na ako ang masaktan ganun ba?"

"You know that it's not that"

"Then come back to me, Red. Please..."

"I can't" napaiwas ako ng tingin dahil sa nakita kong pagpatak ng luha nya.

Lagi na lang bang may babaeng iiyak sa harap ko dahil lang nagmahal ako? Noon, si Starr ang umiiyak sa harap ko dahil kay Fia. Now, its her turn to cry because I fall for Starr. Ang alam ko, never naman akong nanloko ng babae para makarma ng ganito. Pagdating sa pag-ibig, seryoso ko. But why can't it be easy to be with the one I love?

"Red, don't leave me. Not now when I'm not yet ready to lose you. Please naman. Wag ka munang magpahila sa kanya. Ang sakit sakit na kasi. It hurts more right now. Kahit ngayon na lang. Kahit hanggang matapos lang ang Musical. Please let me think that I still own you. Kahit hanggang dun na lang. By that time, ibibigay na kita sa kanya. Please wag lang muna sana ngayon, Red"

"But Fia--" I protested pero alam kong unti unti ng lumalambot ang puso ko sa bargain nya dahil sa nakikitang pain sa mga mata nya. Maging ang mga luhang patuloy sa pagpatak, hindi nakatulong para maging matigas ako sa desisyon ko.

"More than a week na lang naman, Red. Yun na lang ang hinihingi ko. Will it be too much?"

Naiinis ako sa sarili ko kasi wala man si Starr dito, masasaktan ko na naman sya ng di sinasadya. I made a choice again that can hurt her for the last time. I love you, Starr. Why is it so hard to even tell you? Napakakomplikado na ng love story natin.

Minsan naisip ko, sana isa na lang din akong jerk na walang pakialam kung makasakit man ng babae sa mga sasabihin ko but I'm not. Kahit papano, hindi ganun kadaling itapon ang four years na pinagsamahan namin. Ilang beses na ba kita na take for granted, Starr?

"I can't promise that I won't hurt you even if I choose to accept your deal. Hindi madali ang hinihingi mo sa totoo lang but for the sake of our 4 years, I can do it, Fia" napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Sana lang hindi ko na naman pagsisihan ang desisyong to. "Until the Musical lang. After that, you have to return me to the person I love. I have to go back to Starr"

*****

Kitsuki

Isang linggo na lang bago ang Musical at sobrang busy na namin pero hindi dahilan yun para hindi ko mapansin ang pagbabago ni Amarie. She started to smile again. She's like a brand new woman. Parang punong puno ng buhay at pag-asa. Si Red kaya ang dahilan? Pero sa nakikita ko mukhang nagkabalikan na nga talaga sila ni Sophie. Sa totoo lang ng sabihin ni Sophie na nagkabalikan sila ni Red, I doubted her answer pero kung hindi totoo yun hindi sila magkasama ngayon.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon