Tame #31

4.4K 72 8
                                    

Starr

Nagbbreakfast ako sa school café ng isa isang magsiupuan sa bakanteng silya ang bitches.

"Aba nagpakita na rin sa wakas ang magaling nating leader" tuloy lang ako sa pagkain ng clubhouse sandwich na inorder ko at di pinansin ang pahaging ni Brea.

"Tsk tsk tsk. Kaw na talaga ang pinakapasaway na bitch sa buong mundo"

"Meron bang bitch na hindi pasaway ha, Mariko?"

"Oo naman. Bakit kami, hindi naman kasing pasaway gaya mo haha"

"I'm with Lucio" sagot ko na lang para matahimik sila.

"I called Ate Marcia nung audition pero pumasok ka naman daw. Bakit wala ka naman sa MTA Bldg?" Shen eyed at me curiously.

"I dropped by here"

"So you purposely ignored us and ditched the audition??" nakataas ang kilay nyang tanong.

"Yeah" kibit balikat kong sagot.

"O since ang tigas talaga ng ulo mo, bahala kang lumusot jan sa MTA class natin. Panindigan mong pasaway na bitch ka, Starr" nang-aasar na sabi ni Shen. Hindi ko nagets ang ibig nyang sabihin kaso sabay sabay naman silang nagtayuan paalis ng cafeteria.

"Hey what are you saying??"

"Pumunta ka sa faculty room at hanapin mo si Miss S" si Brea na ang sumagot sakin. "Subukan mong magpakabitch ngayon at hindi pumunta dun or else..." nag cut throat sign sya sakin as if saying I'm dead.

"Goodluck, Starr hahaha"

Binilisan ko na lang ang pag-ubos ng sandwich saka inisang lagok ang iced tea. Tumayo na ko saka naglakad papunta sa faculty. Ano na naman bang ginawa ko? Kainis.

"Kyaahh! Sabi na eh!"

"Bagay na bagay kasi talaga sila!"

"This is a must watch. I'll better go tell the others!"

Kakapost lang ng isang announcement at yung isang grupo na unang nakabasa, kilig na kilig at very excited. Nacurious tuloy akong tingnan ang bulletin.

Lead roles:
Red dela Vega as xxx
Fia Ledesma as xxx
xxx
xxx

Sa ibaba ng lead roles ay ang supporting casts at nagulat pa ko na kasama ang bitches. Akala ko props lang sila eh. Kaya pala makapagyabang sakin kanina wagas. Kasama din sa supporting ang tatlong member ng Star Four na sila Third, Zach at Uno. Si Chase hindi ko nakita sa listahan. Teka nag-audition ba yun? Hindi ko kasi nakikita. Bumalik ang tingin ko sa lead roles. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtayo ko dun habang nakatitig sa pangalang nakasulat dun.

"Gano katagal mo naman balak tumayo jan habang tinitingnan ang announcement?" hindi ko na kailangang lumingon para malamang kay freak ang boses na yun. "Kung nag audition ka eh di sana nanjan ka sa listahan" inismiran ko lang sya. Pinaalala pa nya. Eh di sana hindi ako nammroblema sa subject na to ngayon.

"Delikado ko sa subject na to. Masaya ka na? Tabi nga jan. Ang tangkad tangkad mo nakaharang ka" hindi sya gumalaw man lang kaya napacross arms na lang ako sa harap nya.

"I want you to be Sharlot" ilang saglit din akong di nakakibo sa sinabi nya. Basta lang ako nakatingala habang nakatingin sa mukha nya na parang nagulat. "Nevermind what I said. I didn't mean it" nakatingin parin lang ako sa kanya. "I said I didn't mean it!" Eh di hindi. Bat ba nagagalit to?

"Wala naman akong sinasabi nagagalit ka"

"Kasi alam ko na ang iniisip mo. It's not what you think!"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon