Tame #51

3.8K 74 14
                                    

Starr

"Ano to pansabit sa phone?"

"Ay hindi. Baka pagkain yan" tiningnan ko nga ng masama si Lantis. "Haha de joke lang. Souvenier yan"

"Natouch naman ako sa souvenier mo!" spell sarcastic. "Bat mo ko binibigyan nito?"

"Para terno tayo hahaha. Eto oh" sabay pakita sakin nung kanya. Moon-shaped phone keychain yung binigay nya sakin. Yung nakasabit naman sa phone nya ang star. Parehas color yellow na favorite color ko.

"Akina phone mo" kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko saka inabot sa kanya. Kinuha nya rin sa kamay ko yung moon shape keychain saka kinabit. Napangiti sya pagkatapos. "O ayan. Mas gumanda phone mo hehe"

"Eh bat nasayo yung star? Dapat yan ang akin. Saka kala ko ba terno?"

"Terno yan maniwala ka" napakunoot naman ang noo ko. Hindi ko magets eh. "Tingnan mo yun" sabay turo sa madilim na langit. Tumingala ako at nakita ang crescent moon na tulad ng nakakabit sa phone ko na napapaligiran ng napakaraming bituin. "Diba magkasama sila lagi? Kaya terno yan"

"Minsan kaya walang moon. Minsan naman walang star pero may moon. O kaya naman parehas wala"

"Kala mo lang yun. Pwedeng natatakpan lang ng ulap o nasa kabilang panig ng mundo pero diba nasa iisang universe pa rin naman sila? Para maalala mong andito lang ako lagi sa tabi mo at kaya akin ang star shape para pag tiningnan ko din tong star sa phone ko, maiisip kong nasa tabi lang din kita palagi at di mawawala" natigilan ako kaya naman napatitig na lang ako sa singkit na matang nasa harap ko. "O ano? Natouch ka naman! Hahaha---araaay pretty mashakit" kinurot ko nga ng malakas sa pisngi.

"Okay na eh. Natouch na ko eh!"

"Pano ang seryoso mong nakatingin sakin. Baka mafall ka sakin bigla! Di pa ko ready! Hahaha"

"Libre naman mangarap eh"

"Wag na. Baka mangarap nga ko di naman matupad. Masakit yun!"

"Dapat pala kasama ka sa play namin ang galing mo umarte"

"But seriously pretty, I promise to be with you and stay by your side. Kailanganin mo man ako o hindi andito lang ako" natigilan na naman ako dahil sa seryoso nyang pagkakasabi but in the end I smiled.

"Thanks, Lantis. I'm happy that I met someone like you. Yun bang di naman pinlano. Pero seryoso, I'll stay here with you din no matter what"

Parehas na lang kaming natawa sa kadramahan namin. Sa totoo lang, these are the few moments I enjoy. Walang iniisip na problema and the good thing is napapatawa nya ko. That's something. Umupo lang kami sa hood ng kotse at tumanaw sa madilim na kalangitan.

"Crap!" napatingin naman sya bigla sakin nang mapatayo ako.

"Why pretty??"

"Lantis, pwedeng samahan mo kong bumalik ng school?"

"Bakit? Gabi na ah. May tao pa ba dun?"

"Meron pa yun. Nalimutan ko kasi yung script ko sa play. May practice kasi bukas kailangan kong basahin ngayong gabi. Hindi ko pa kasi kabisado yun baka magulat na naman ako sa lines ko mahirap na"

"O sige. Tutal gabi na baka mapano ka pa dun mag-isa"

"Thanks Lantis! I owe you this!"

Bumalik kami ng school at wala na ngang tao. Sinita pa nga kami ng guard. Buti na lang kasama ko si Lantis at napakiusapan nya kasi wala talaga akong pasensya sa ganyan.

Dumeretso agad kami ng locker area dahil nandun ang script ko. Napatingin ako sa locker ni Jared na katabi ng akin. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon