Starr
Kakaiba ang araw na to ngayon. Hindi ko alam kung anong meron pero alam kong may mali dahil sa paraan ng pagtingin nila sakin. Nagpatuloy na lang akong maglakad sa hallway ng school at hindi ko na lang pinansin ang mga estudyanteng halos tunawin ako sa mga mapang-usig nilang tingin. Masakit pa ang ulo ko dahil sa dami ng nainom kagabi. Hindi naman porket hindi ako nalalasing, hindi na ko pwedeng tamaan ng hangover.
"Oops. Nakaharang ka eh" I glanced at her na bumunggo sakin na walang kahit anong emosyon saka tinapunan ng tingin ang apat nya pang kasama. "O bat ganyan ka makatingin? Papalag ka samin, transferee??"
Masyado na kong maraming iniisip these past few days at wala ako sa mood maging bitch today. Isang tingin pa sa babaing bumunggo sakin saka ko sya nilagpasan. Kakapasok ko pa lang and yet sikat na agad ako? That's impressive.
"I'm still talking to you! How dare you turn your back on me!" hinigit nya ko sa balikat kaya napaharap ulit ako sa kanya.
"I don't waste my time on losers"
"What?? Losers?! Baka hindi mo kilala kung sinong kausap mo??"
"Yeah. I don't know you. Mukhang mas sikat pa nga ako sayo dahil kilala mo ko. What do you think?" hindi ko na naman naiwasang maghikab. Daig ko pa ang buntis na may morning sickness nito eh. Lagi akong inaantok.
"Aba't! Ano bang pinagmamalaki mo?? Ang alam mo lang naman eh mang-agaw ng lalaki!" napaseryoso naman ako sa sinabi nya.
"What are you saying?"
"Oh hindi mo alam?? Hahaha. Kaw pala ang loser satin eh. Hindi ka ba nagtataka na kilala ka na ng lahat as a couple wrecker? Oh well mukhang dun ka naman talaga magaling" nagtawanan naman ang mga kasama nya.
Sa pagkakaalam ko mejo lie low ako sa pagiging boyfriend stealer dahil wala na kong masyadong makitang jerks sa mga bar na pinupuntahan namin or baka naman some sort of previous troubles ang sinasabi ng malditang to?
"It's not couple wreaker. Let me correct you. I'm a boyfriend stealer" nakita kong nanlaki ang mata nya bago napalitan ng nakakalokong ngiti.
"Talagang proud ka pa sa title na yan ah? Tingnan natin kung san ka pupulutin kapag pinatalsik ka na sa school na to hahaha"
"Isa ka ba sa naagawan ko kaya ka nagkakaganyan? Kung oo, hindi na ko magtataka" I looked at her from head to toe saka binalik ang tingin sa mga mata nya. "Hindi kasi tayo magkalevel" tinalikuran ko na ulit sya dahil inuubos nya lang ang precious time ko.
"W-What?? Hindi ako ang pinag-uusapan dito at binabalaan kita na wag mong subukang agawin ang boyfriend ko!"
"Oh so hindi naman pala kita inagawan eh. Anong pinaglalaban mo at nagpapaka feeling bitch ka sa harap ko?"
"Since mukhang clueless ka transferee, why not see for youself? Halika ipapakita ko sayo" she tried to take a full grip of my arm ng magsalita ako.
"Kung mag-aaply kang alalay ko, sabihin mo lang. Magkano ba ang asking fee mo at ttriplehin ko? Oh I guess mas bagay kang pet. Mukha ka kasing aso"
"Ano?!!" hindi makapaniwalang sabi nya sakin. "Hawakan nyo nga yang babaeng yan at talagang sinasagad ang pasensya ko!!" bigla nalang akong hinawakan sa braso ng tatlong babaeng mukhang aso din at yung isa naman nakahawak sa buhok ko sa likod kaya hindi ako nakapalag and before I knew it nasampal nya na ko ng malakas. Shit!
Ayoko syang patulan pero nagawa nyang padapuin ang palad nya sa mukha ko?! Rules are rules and you better pay for messing my rules pero kinalma ko ang sarili ko. I look at her full of suppressed anger.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...