Tame #24

4.7K 84 16
                                    

Starr

"Tss. Ang luwag ng daan oh" I said when the girl bumped me on purpose.

"O bakit? Sasampalin mo din ba ko gaya ng ginawa mo kay Grace?" nakangiting aso na sagot nya.

Pasalamat lang talaga to grounded pa ko kundi mag-asawang sampal ang sinagot ko sa kanya.

"Nah. I don't have that much free time gaya mo" nilagpasan ko na sya dahil baka kung ano pang magawa ko. Malayo layo pa ang Engineering Bldg kaya siguradong aabutin na naman ako ng syam syam bago makarating dun. Ang hirap ng walang kotse.

"Oops. Dumulas sa kamay ko eh. Sorry ha?" sarcastic na sabi sakin ng isa pang maldita na may kasamang dalawang pugita.

Tiningnan ko lang ang stilettos na suot ko na tinapunan nya ng hawak nyang ice cream. Ice cream talaga sa umaga?? Kainis anlagkit.

"Alam mo ba kung magkano tong sapatos ko?"

"Who cares? Mukha namang cheap eh. Kasing cheap mo" nagtawanan naman yung dalawang kasama nya sa pang-iinis nya sakin. Kailangan ba talaga pag nambully may kasamang aso?

"Try kaya natin isampal sa mukha mo tong sinasabi mong cheap kong sapatos? Ay wag na lang. Baka mahiya to sa kapal ng mukha mo eh"

"Anong sinabi mo?!"

"God. Kanina ka pa sarcastic sakin pero hindi naman ako nagalit. Wag ka namang unfair. Nakakasira ng umaga eh"

I walked pass them. Ano na naman kayang masamang hangin ang pumasok sa kanila para bwisitin ako? Ilang linggo na yung issue na yun at akala ko nalimutan na nila.

"Lakas ng loob pumasok ah. Okay lang, may mapagtitripan kami haha" hindi ko na pinansin ang nadaanan kong grupo ng mga babae na nakaupo sa bench na nasa ilalim ng puno. "Ui wag kayong lalapit jan baka agawan kayo ng boyfriend hahaha"

"Got a problem with me?" hindi ako nakapagpigil na hintuan sila.

"Pano kung meron, ano naman sayo?"

"Losers" tatalikod na sana ko ng tumayo at harapin ako ng isang babaeng nakaupo sa may wooden table.

"Ikaw tong loser! Mang-aagaw ng lalaki! Para kang mauubusan. Ang tibay mo rin ano? Nagawa mong gumawa ng kasuka-sukang bagay"

"Kung wala kang sasabihing matino, mabuti pa itikom mo na lang yang bibig mo. Ang baho eh"

Inis na iniwan ko na lang sila. Aish. Bitch na bitch sila ngayon ah. Ilan palang yan. Wala pa yung mga nadaanan ko na halos patayin ako sa mga tingin nila. Hindi na ba ko patatahimikin ng school na to?

"Hahahahaha loser!!!" gustong gusto kong magalit. Kaso lagi naman ako ang mali kapag gumanti ako. Ako lagi ang masama kahit na ginaganto nila ko. Lagi na lang bang ako ang magpapasensya?

"Masaya ba?" walang emosyon kong tanong habang nakayuko.

Natahimik ang mga estudyante na nagtatawanan na makita akong basang basa dahil sa biglang bumuhos na tubig pagliko ko sa hagdan ng Engineering Bldg. Ganito na ata maligo ngayon. Nakadamit.

"Bakit di ka gumanti?? Ano takot ka na ngayon? Hahaha"

"Nakakaawa naman kayo. Kailangan nyo pang gawin ang ganto kababaw na bagay para lang pansinin ko kayo. Sana sinabi nyo na lang, willing naman ako. This is so childish"

"Lakas maka words of wisdom ni boyfriend stealer oh!" nagtawanan ulit ang lahat sa sinabi nya. Hinanap ko ang nagsalita na yun at nakita ang nang-uuyam na mukha ng babaeng kilala rin sa school for being bitchy. I don't know her name. Di ako interesado. Nakasandal sya sa staircase habang nakahalukipkip at nakangisi sakin.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon