Zach
Intense ang nangyari kanina kaya naman nagpasya akong magsmoke sa likod ng school para magpalipas ng oras. Ayokong makisali sa init ng ulo ni Red at Third dun sa parking lot. Nagsisihan kung sino ba ang tama o mali tsk.
Sa totoo lang, interesado ako kay Starr. Eversince naman nung ipakilala sya ni Uno nung gabing yun. Whole package eh. Dalawa lang naman kasi ang tipo ng mga babae para sakin. Easy or hard to get. Ganun kasimple. Pero hindi kasi sya nag-fall sa category na yun. Kaya naman dinadaan ko na lang sa flirting--na walang talab. Alam ko yun. Alam ko kasi nung una pa lang na no matter what I do, I can never get her.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis kay Red for being so mean to her sa harap pa ng maraming tao. Alam naming tatlo nila Uno at Third na hindi nya naman sinadyang makilala kami. Siguro dala na lang ng frustrations nya nung umaga ng makita nya si Fia at yung Hapon na yun na magkasama.
"I know you hated this word but I still want to say sorry for not being able to protect you on time" bigla akong napakubli ng marinig ang isang babae na nagsalita bago pa ko makaliko sa tambayan namin tuwing magssmoke.
Alam kong masama makinig sa usapan ng iba pero curiosity hit me. Sinilip ko kung sino yun at nakita ko agad si Starr na kasama yung babaeng humila sa kanya sa room kanina.
"Third knows. Hindi ko alam kung pano" narinig kong sabi ni Starr. Si Third namin? Ano naman ang alam nya? Kung ganun yun kaya ang pinag-uusapan nila kanina? Pero tungkol saan?
"Paalisin mo na si Cheska before its too late" namagitan sa kanila ang saglit na katahimikan. Sino namang Cheska yun? Shit naguguluhan ako. Wala akong maintindihan!
"Bakit ba ayaw mo pa rin? Ngayon pa na may iba ng nakakaalam?? Starr, alam kong wala kang takot para sa sarili mo pero isipin mo naman ang mangyayari kay Lucio pag tumira ka sa ibang bansa!"
"Alam ko naman yun"
"Then what are you doing?"
"I want to give her a chance. Kahit ilang beses. Kahit paulit-ulit. I'll let her stay hanggang sa maunawaan nya kung bakit ko to ginagawa. I'm a bitch with a purpose pero sya ginagawa nya ang mga bagay na kala nya for fun lang. Gusto kong bigyan ng chance na magbago ang isang outsider na gaya nya na kahit kelan hindi nila magawang ibigay sa tulad ko"
Nang sumilip ulit ako, nakita ko ang side ni Starr na wala mang emosyon, ramdam kong may pait sa binitawan nyang salita. She looked at the broken ipod na nilabas nya sa isang maliit na kahon.
"Yun ang tinuro nya sakin. To become someone better" she said still looking at the ipod.
Naalala kong sinabi nya kay Red na mas mahal pa yun sa buhay nya. Ano bang ibig nyang sabihin dun? Mabilis akong naglakad papasok sa malapit na empty room na hindi na ginagamit at nagtago ng tumayo na silang dalawa.
Sino ka ba talaga, Starr?
*****
Red
"Red, mali yun eh. Maling mali yung ginawa mo kay Starr"
"Yung babae parin na yun ang pagtatalunan natin?? Ano bang ginawa sa inyo ng bitch na yun para ipaganggol nyo sya sa harap ko, Third?!" nangigigil kong sigaw sa kanila ni Uno.
"Pare, hiniya mo sya sa school just because of that temper. Hindi nya naman kasalanan na nakilala nya rin kami" sabat ni Uno habang nakasandal sa kotse nya.
"I can't believe the both of you. Hindi nyo ba nakikita kung anong nangyayari satin dahil sa kanya?? Parang di nyo narinig kung pano nya ko pagsalitaan ng kung anu-ano!" gustong gusto kong magmura pero pinigilan ko dahil mga kaibigan ko parin sila.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...