Tame #36

4.4K 79 18
                                    

Starr

"Starr!" umupo si Brea sa tabi ko kasunod si Shen at Mariko. "Buti naman pumunta ka ngayon. Nagmamadali pa kami kasi antagal i-deliver nung inorder namin kaya kami na ang kumuha"

"Oo nga. Sigurado magugulat ka sa dala namin. Diba Shen?" siniko ni Mariko si Shen.

"Ah basta wala kong alam jan ah. Oi Starr hindi ako kasali sa kanila ha?"

"Oi anung di kasali? Kaw nga nakaisip ng idea na to! Kami lang nagsagawa bwahahaha"

"Ano bang dinala nyo? Pagkain ba yan? Akina at nagugutom na ko kakahintay sa resulta audition"

Nandito kasi kami sa auditorium at naghihintay na i-announce ang casting ng musical play. Tungkol naman sa special audition, pinost lang sa bulletin na kasali kaming lima sa play pero walang nakalagay kung nakuha ba kami ni Kihan sa lead roles. Yun ang dahilan ng kaba ko ngayon.

"Ah eh. Pagkain ka jan"

"Geh try mo kainin kung pwede. Andun sa labas oh. Kanina pa nga pinagtitinginan ng mga estudyante. Baka maubos na sa titig nila. Hahaha" natatawang sagot ni Shen.

"What? Bat di nyo pinasok?? Tsk" tumayo na lang ako at naglakad palabas para kunin ang pagkain pero narinig ko pa rin ang pinag-uusapan nila.

"Sa tingin mo buhay pa tayo pag nakita nya yun?"

"Eto kasing si Shen eh. Mga pakana mo"

"Anong ako? Sino ba may sabing gawin nyo? Mga siraulo!"

Aish ewan. Sumasakit lalo ulo ko sa kanila. Pero ayos na din yun para hindi ako masyadong kabahan. Pagdating ko sa labas andaming tao. Tiningnan ko kung anong pinagkakaguluhan nila kasi baka yun yung dala nung tatlo.

"Tabi! Tabi!"

"Ouch ha. Makahawi ka naman!"

"Eh akin yan eh. Magsilayas nga kayo. Shoo!"

"Eh di sayo na. Lamunin mo. Tutal sayo naman nakapangalan hahaha"

Nakapangalan pa talaga sakin? Aba mukang pinapasaya talaga ko ng bitches today ah. Good job!

"Oh yun naman pala eh. Alis na!"

"Haha buti nga sayo" nagsialisan naman na yung mga tao pero pagkakita ko, halos saksakin ko na sa utak ko yung tatlong bitch na yun. Sinipa ko muna yun bago ko pumasok sa loob.

"So, kaya pala hindi nyo maipasok huh?"

"Tago bilis! Bilis!"

"San tayo magtatago dito eh wala namang mapagtaguan! Hala patay na tayo!"

"Talagang patay kayo sakin!" paglapit ko sa kanila.

"Condolence pala ah. Tingnan natin kung sino ang paglalamayan ngayon"

"Teka lang, Starr. Binibiro ka lang namen he-he"

"You know that I'm not the funny type, right?"

"Oi Starr wala akong kinalaman jan ah. Best friend mo ko kaya di ko magagawa yun sayo"

"Oi ano ka?! Starr sya mastermind neto!"

"It will be quick, don't worry"

Napapaatras naman sila sakin. Walang friendship ngayon. Sino ba naman matutuwa na may bulaklak ng patay sa labas na may naka sash pa na Condolence Starr on your Audition.

"Walangya ka Starr! Sinabi ng di ako kasali dun eh!"

"Whoo. I like this kind of stress reliever" nag-inat pa ko at pabagsak na naupo sa isa sa mga seats dun. Sila? Ayun isa isang nagpupunas ng dugo sa ilong. Bawi bawi lang.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon