Tame #73

2.4K 56 3
                                    

Starr

Puspusan na ang preparation namin para sa Musical. Finishing touches na lang dahil nakaset-up na ang stage at lahat lahat. Bukas na ang dress rehearsal then the next day after that, yun na ang Musical Play Presentation. I used to hate this but I never expected to feel so attached in the end.

Napagawi ang tingin ko kung nasaan si Jared. Katabi nya si Fia na busy sa pag-aayos ng costumes na gagamitin ng lead cast bukas. Since that night ng birthday ko, hindi na kami nakapag-usap pa kahit sa text man lang at ramdam ko rin na iniiwasan nya rin ako. Okay na rin naman yun, we're doing the same thing ng magpasya kong lumayo na sa kanya. Madalas nyang kasama si Fia nitong nakaraang araw. Malamang bumabawi sya dito. Ni hindi na rin ako nag-abalang isipin pa kung bakit hindi big deal kay Fia ang tungkol sa surprise na binigay sakin ni Jared nung birthday ko. Masyado na kong maraming iniisip para problemahin pa sila.

Nagulat ako ng magtama ang mata naming dalawa ni Jared. Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pagtingin ko sa kanila. May ilang saglit ko din sya tinitigan pero hindi ko rin matagalan kaya ako na ang umiwas. Bakit ba para tayong dalawang taong nasa magkaibang mundo na hindi maaring magsama?

"Starr, can you check the dressing room please? May mga props pa yata dun, pakisalansan na lang para hindi na kayo maistorbo bukas"

"Sige po, Miss S" tinitigan pa ko ng matagal ni Miss S na parang may gustong sabihin saka tumango.

Naglakad na lang ako patungong dressing room at inayos ang mga nakakalat na props. Mas mainam pang libangin ko ang sarili ko sa mga bagay bagay para pansamantalang makalimutan ang sakit. May ilang minuto na din akong nag-aayos na maramdaman kong bumukas ang pinto.

"Starr" lumingon ako at nakita ko si Fia na nakatayo sa may pinto.

"Bakit?" I feel awkward. Kahit ba wala naman akong kinalaman sa surprise ni Jared, hindi ko parin maiwasan na maguilty na somehow nasaktan ko rin si Fia.

"Papasukat ko lang sana sayo tong damit mo. Tapos sabihan mo na lang ako kung masikip ba o may problema ka sa damit" napatingin ako sa dala nyang long dress na may pagka royalty style.

"Okay" napansin kong nakatayo pa rin sya sa harap ko kahit nakuha ko na yung damit. "May sasabihin ka pa ba, Fia?"

"I-I'm sorry..."

"Para san naman?" I asked, wondering.

"Ano. Basta sorry, Starr. Sorry sa lahat"

I find her weird. Ano naman kaya ang pinagsosorry nya sakin? Ako pa nga dapat ang magsabi sa kanya nun kung tutuusin.

"Ah okay?"

"Sana maging masaya ka na finally after the Musical. Basta sorry sa lahat, Starr. I really, really mean it"

Hindi nya na ko hinintay pang sumagot at lumabas na lang ng dressing room. Napailing na lang ako. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng maghapon dahil sa last minute preparations.

Napamigay na ang lahat ng invitations since ang makukuha dito ay mapupunta sa charity. Pero hawak ko parin yung invitation ko na supposedly para sa parents ng cast o kung sinong immediate relatives. Useless naman kasi sakin to. I know the only person who can come with me to the musical is that wicked devil and I know she's not going to waste her time to watch me. Basta ko na lang pinasok sa handbag ko ang invitation ng marinig ko ang handphone ko na nagriring. Speaking of the devil.

"Amarie, where are you?? It's already past 6! I already told you about this!" bahagya ko pang inilayo sa tenga ko ang handphone ng marinig ko ang pagsigaw ni devil sa kabilang linya.

"Busy ako sa musical--"

"I don't care about that stupid play, Amarie! Now leave that place and go to Le Grandé!" she immediately hang up. Napabuntong hininga na lang ako. Another situation without a choice dahil na naman sa kagagawan nya.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon