Starr
"Bilis na!"
"Ayoko! Wala akong naalalang pumayag ako. Hindi mo ba alam na nakakahiya tong gagawin ko??"
"Wala akong pakelam"
"Akala ko ba ako lang ang walang pakelam dito? So you're acting like me now?"
"Wag ka na ngang maraming sinasabi. Basta gawin mo na lang"
"This is crazy, freak! Lalaki ang gumagawa nito!"
"Isang freak mo pa jan lagot ka sakin"
Tiningnan nya ko ng masama kaya nanahimik na lang ako. Sumilip ako mula sa pinto ng room ni Fia pero muntik ko ng halikan ang lupa ng itulak nya ko sa likod kaya napatingin sakin ang mga kaklase nito including her. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nahiya ng ganito. Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob ng room at huminto sa tapat ni Fia. Everybody is looking at us pero ang atensyon ko nasa kanya lang.
"For you" nakatingin sa gilid kong sabi habang inaabot sa kanya ang bouquet of red roses. Babae nagbibigay ng roses sa kapwa babae. My God. I need patience. And mind you, we're not in good terms. Enemies to be exact. Napatingin ako sa kanya ng tabigin nya ang bouquet na hawak ko kaya sahig ang sumalo ng bouquet.
"Ano na namang palabas yan? I don't need that and I really hate seeing you"
Sa kabila ng maganda at maamo nyang mukha, hindi nito naitago ang matalim na salitang lumabas sa bibig nya. Kinuha ko ulit ang bouquet sa lapag at tinangkang iabot ulit sa kanya. Naalala ko kasing sabi ni freak na kailangang tanggapin ni Fia ang roses.
"Pwede ba tigilan mo na ko? If this makes you think na mapapatawad kita sa mga ginawa mo, you're definitely wrong. I won't forgive you, ever" tinabig nya ko saka walang babalang lumabas ng room.
Tahimik kong kinuha ang mejo sira nang bouquet saka lumabas ng room nila habang patuloy sa pang-aasar ang mga kaklase nya.
"Anong nangyari? Bat nasayo pa to??" agad na tanong ni Red ng makasalubong ko sa hallway.
"Hindi nya tinanggap"
"Shit!"
"Ni hindi nya nga ko binigyan ng chance sabihing galing sayo to. Ikaw na lang ang magbigay kung gusto mo" saka ko sapilitang binalik sa kanya ang bouquet. Akala ko hindi na nya ko pipilitin na gawing bridge dahil useless ako pero hindi eh.
"Then gumawa ka ng paraan. Trabaho mo yan. Pag hindi ko nabawi si Fia, tuloy ang expulsion mo" tinapon nya sa malapit na trash bin ang bulaklak saka nya ko iniwan sa hallway na natitigilan. Crap!
"Starr" napalingon ako and I saw Cheska beside me. "Can we talk?" saglit ko syang tiningnan saka naglakad patungo sa isang empty room. Sumandal ako sa pader malapit sa bintana habang hinihintay syang magsalita.
"I'm transferring" saka ko lang napansin na may nagbago sa kanya. She looked nice. Wala na rin akong makitang bitchiness sa aura nya. Even her makeup looked natural. "Tama ka. I was wrong all along. Sorry but I'm choosing option 1"
"Good choice"
"Actually, ayoko sanang piliin yun. Knowing that you need to face Fia like this over and over. Pero narealize ko na hindi ko rin kayang palitan ka sa role na yan. You know how I always depend on you? Nung sa halos patayin na ko sa galit nung lalaking sinampal ko. Nung halos makalbo na ko nung pagtulungan ako ng mga babaeng yun. Even this mess. You're always there. I'm not as great as you are but I can promise you that your kind of bitchiness will stay with me. Thank you, Starr. Even if it's too late"
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...