Starr
It's a lazy Monday night. Bar hopping ang trip namin ngayon dahil wala kaming makitang magandang bar na exciting. Oh well Monday kasi so malamang hindi trip ng mga tao gumimik at the start of the week. Kami lang naman tong mga pasaway. Isa pa by Wednesday kasi hell week na para sakin dahil pasukan na. I really hate school days. Bar nights lang naman ang gusto ko sa buhay.
"Ayaw nyo din dito?" napalingon ako kay Chase na nakakunot ang noo. "Ayoko ng lumipat pagod na ko" ang tagal ko na pala kasing lost in my thoughts kaya hindi ko namalayan na mga mukhang haggard na sila.
"What's the matter?" tanong ko kay Chase.
"Hindi ko nga alam sa tatlong yan bakit bored. Starr, ayoko ng lumipat ah" napainom nalang sya ng beer while slouching in his seat. Binalik ko ang tingin sa bitches na nakatingin lang sa dancefloor habang nakapangalumbaba sa table. Kelan pa nawalan ng energy ang mga to sa loob ng bar? Ginala ko ang paningin sa buong bar and I see lots of attractive guys. So panong wala man lang silang pake dun?
"Mariko what's happening?" siniko ko sya dahil mukhang wala syang balak sumagot.
"We're bored"
"Di nga?"
"Di pa ba obvious, Starr? Minsan slow karin eh"
"Anong sabi mo?? Kutusan kita jan eh" ni hindi man lang sya umilag ng mahina ko syang pitikin sa noo. Now this is really weird.
"Haaayy. Uwi na lang kaya tayo, Shen?" sabi ni Brea kay Shen na nakapangalumbaba rin habang nakatingin sa dance floor. "Itulog na lang natin to and for once magprepare naman tayo para sa school"
"Wait lang. May pinapanood pa ko"
"Sino? Don't tell me may target kang guy??"
"Nope"
"Eh ano nga??"
"Basta"
"Di naman yan importante tara na!"
"Teka nga lang kasi" binitiwan ni Brea ang panghihila sa braso ni Shen.
"Ano ba kasi yun??"
"Ayun na!" excited na sabi ni Shen.
"Ha??!" sabay sabay na sabi nila Chase, Brea at Mariko. Ako naman napatingin na lang sa tinitingnan ni Shen and looks like alam ko na kung anong hinihintay nyang mangyari. Napailing nalang ako sa kababawan nya. Hanggang ngayon ba naman di parin sya makamove on kay wannabitch? Now I know bakit sila bored. Sa limang bar kasi na pinuntahan namin, tanging si Cheska lang ang nageenjoy. Enjoy na enjoy sya sa pagiging isang bitch. Ilang araw palang syang myembro and yet she broke all of my fucking rules just like now.
"Finally! Hahaha. Kanina ko pa hinihintay yun eh haha" this time umiinom na sya ng tequila sunrise nya habang nakasandal sa upuan.
"Hoy teka Shen! Ano bang nangyari??" clueless na tanong ni Mariko. Tinawanan lang sya ni Shen na parang baliw.
"Hey Starr, don't you think we should get that girl? She's most likely to fit with us kesa kay wannabitch hahahaha" mapang-asar na sabi ni Shen.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...