Tame #23

4.7K 82 12
                                    

Starr

Mejo humupa na rin ang issues ko sa school after two weeks. No wonder kasi hindi na ko naka sportscar pag pumapasok. Nakahanap narin ako ng ibang tambayan para magsmoke sa dulo ng soccer field so there's no chance for me to spend time with them. Tuwing free time or lunch, I told them na sa labas ng school na lang kami para maiba lang pero ang totoo ay para lang makaiwas sa landas ko ang mga taong dapat kong iwasan.

Stay away from direct or indirect subject's lives and its connections

Rule #3 nga diba? Buti na lang for the past two weeks, nagawa ko naman sumunod sa rule na yun ng walang problema. Kung sila mismo ang gumagawa ng dahilan to mess up with me, ako na mismo ang hahanap ng paraan para umiwas. Mas nakabuti nga kasi tahimik ang mundo namin. Nabawasan din ang mga iniisip ko. Si Lucio, tuloy na ulit ang chemo pero he's doing better na kaya napanatag na din ako. Si Cheska na lang.

Habang tumatagal kasi palala sya ng palala. Being a bitch here and there at tuwing sinasaway sya nila Mariko, Brea and Shen, laging ako ang dinadahilan nya. Na kaya sya sumali bilang bitches is to be like me. To be a bitch na walang kinatatakutan.

She's wrong in so many ways. She should not use me as a model. She should aim far better than me. Not worst. Hindi nya alam that being me is not as easy at it seems.

I may be a brat and get what I want or have those childish tantrums but I never party all night, do crazy things or steal boyfriends. Hindi ko tinrato ng ganito ang parents ko back then. Mahirap mang paniwalaan, hindi ako ganito.

Ang hirap dahil sa tuwing titingnan ko ang sarili ko sa salamin, ibang Starr na ang nakikita ko. Wala ng buhay. Wala na ang dating kinang sa mga mata. I know people thought that I'm heartless. Some thought I'm irrational. Pero sa likod nun, lahat ng ginagawa ko ay may katuturan. Hindi lang dahil sa wala akong magawa. Though I always reason out that I'm bored tuwing nambibitch ako, kung pakakatingnan lang nila, ginagawa ko yun for some valid reason na maaring hindi lahat ng tao naiintindihan. I move in my own ways.

"Hindi lang ako kumikibo Cheska pero wag mong hintaying maubos ang pasensya ko sayo. Hindi lang ako ang dapat hintayin mong magsalita para tumigil ka sa mga ginagawa mo. When they asked you to stop. Stop. Hindi nila sinasabi yan for nothing"

"Bakit ba pag ikaw okay lang? Pag ako ang gumawa laging masama?! Parehas lang naman tayo ng ginagawa ah! You're a boyfriend stealer, ganun din ako. You're a bitch, I'm a bitch as well. Bakit nyo ba ko pinipigilan??"

"Alam mo kung bakit?"

"You're name is not Starr"

"And you'll simply remain as wannabitch kung pagpapatuloy mo yan"

"What?? Unfair naman yun na si Starr pwede tapos ako hindi? Porke ba sya ang leader at member lang ako? What's the use of being a part of this circle kung ganun din lang?!"

"Then get out of this group. Hindi ka namin kailangan" walang emosyon kong sagot.

"Starr?" hindi makapaniwalang tinitigan nya ko.

"It's up to you. I always give you two simple choices remember? Makinig ka samin or say goodbye"

*****

Uno

"San na kaya si Starr noh?" nakapangalumbaba kong tanong kay Third. Sila Zach at Red, nagpunta sa likod para magyosi kaya naiwan kami sa room. Nakakatamad kasi magsmoke dun kasi wala na si Starr.

"Ewan ko. As if naman classmates kami diba? Tanong mo kay Red hahaha"

Hindi kasi namin kaklase si Red aside sa minor subjects. Ako nasa pre-med pa dahil nga sa hospital namin. Matagal tagal pa bubunuin ko. Si Third at Zach naman, Comm Arts. Si Red lang ang Engineering kaya classmate nya talaga si Starr. Twenty two na si Red, nagtry pa kasi yan ng management ng one year dahil sa school nila kaso di nya trip kaya nag-shift.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon