Tame #28

4.5K 74 19
                                    

Shen

"Hoy Starr bat antahimik mo?" tanong ni Brea. Kasalukuyan kaming nakatambay sa isang wooden bench at table sa ilalim ng puno that morning.

"Wala lang bawal?"

"Di naman. Mukhang malalim lang kasi iniisip mo. Sobrang miss mo na ba si Cheska?" sabay tawa nitong si Brea. May saltik na naman to.

"Change subject na nga. Baka mabadtrip mo pa si Starr"

"Change subject na nga yung kay Cheska, Mariko. Unless gusto nyong pag-usapan si Red. O kayong dalawa bat ganyan kayo makatingin??" patungkol nya samin ni Mariko ng magkatinginan kami.

"Manahimik ka na nga lang. Kutusan kita jan eh" sagot ko.

"Hay naku. Ang labo nyo"

"Kami pa talaga eh ikaw tong di marunong makaramdam!"

"Where's Chase?" tanong ni Starr na mukhang walang pake samin.

"Di ko nga napagkikikita eh. Ikaw Shen?"

"Sabi nya papasok naman sya pero di ko pa din nakikita. Ewan ko ba dun kung anong pinagkakaabalahan"

"Let's go. May klase na ko eh" sabay tayo ni Starr.

"Sige sabay na kami. Mauuna naman ang building nyo hatid ka na muna namin"

"Okay"

Naglalakad na kami sa hallway ng agad kong mapansin na makakasalubong namin si Red. Nagkkwentuhan kasi sila Brea at Mariko samantalang sa kabilang side naman nakatingin si Starr.

"Ui Starr..." siniko ko sya kaya napatingin sya sa harap.

Natahimik kaming lahat pero pinagtataka ko na hindi man lang kami sinulyapan man lang ni Red. Parang hindi nya kami nakita kung makaasta sya.

"Hay, grabe buti na lang nilampasan lang tayo. Akala ko trouble na naman to eh"

"Sinabi mo pa, Brea! Kinabahan ako dun ah"

Parang sobrang bagal ng oras nung naglalakad kami hanggang sa makalampas si Red. Akala ko kasi away na naman ang gagawin nila ni Starr. Speaking of her, huh? Nilingon ko sya dahil hindi ko napansin na huminto pala sya sa paglalakad.

"Starr? Okay ka lang?" nilapitan namin sya dahil tulala syang nakatingin sa hallway. "Oi Starr! Anong problema?"

"I'm think I'm...expelled" halos bulong lang na lumabas sakin ang dalawang salitang yun.

"Whaattt?!"

*****

Hindi na pumasok si Starr sa klase nya. Kahit kami rin nagcutting na. Bumalik kami sa tinambayan namin kanina pero hanggang ngayon wala pa ring nagsasalita samin. Masyado kaming shocked sa sinabi ni Starr kanina.

"Pano ka naexpel? Kala ko ba tinutulungan mo yung Red na yun? Bakit ka nya inexpel matapos mong gawin ang gusto nya??" hindi na nakatiis na tanong ni Brea.

"He ignored me. Kanina"

"He ignored all of us, Starr. Hindi lang ikaw" I replied.

"You don't get it. The thing is, we talked last night at sinabi ko na kapag hindi pa rin sila ni nagkabalikan ni Fia after the date I set up, hindi na nya ko kailangang kausapin pa. I asked him to just ignore me at hindi na ko magpapakita sa kanya"

"At pag di sila nagkabalikan, expelled ka na tama ba?" ako na ang tumapos sa sasabihin ni Starr. Tumango sya saka napabuntong hininga.

"Oh my God!" Mariko exclaimed.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon