Tame #20

4.9K 90 18
                                    

Starr

Ayokong magpahatid sa driver dahil mukha akong may bodyguard na nagbabantay sa bawat kilos ko na alam kong irereport nga kay devil kaya minabuti ko na lang na sumabay kay Chase dahil mas malapit sya kesa kay Shen na out of the way. Akalain mong lahat pala ng kotse hindi ko pwedeng gamitin? Dagdag utos daw sa kanila ni devil peste!

Isama pang malas na walang pasok si Chase ngayon kaya ihahatid nya lang ako sa school bago sya dumerecho sa office. Isa pang walang hanggang kamalasan eh wala akong pera. Nag-iipon naman talaga ko kaso halos naubos ang savings ko dahil sa chemo at hospital bills ni Lucio. I badly missed him. Buti na lang weekend na bukas.

"Okay ka lang ba, Starr?" tanong nito matapos patayin ang makina sa may gate ng school.

"I'm fine, Chase. Go ahead" tipid kong sagot saka binuksan ang pinto ng kotse.

Inantay ko munang makaalis ang kotse nya saka ako pumasok sa loob. Malayo layong lakaran din to dahil sa laki ng school. Dahil sa nangyari kahapon, mainit parin ako sa mga estudyante kaya naman lahat ng madaanan ko, napapatingin sakin saka mag-iiwas ng tingin na kala mo any minute pwede ko silang saktan gaya ng ginawa ko sa bitch na yun. Mas masakit pa nga ang katawan ko kesa sa kanya nuh.

"Good morning, Amarie! San ang room mo? Tara sabay ka na" napatingin ako sa right side ko and saw a black Lexus car na sumasabay sa mabagal kong paglalakad. Hindi nga lang ako fan ng Lexus saka hindi naman sya sportscar. Kihan smiled at me pero hindi ko yun pansin dahil mas naagaw ng pansin ko ang babaeng sakay nya sa passenger seat na hindi nag-abalang lumingon sakin kahit kausap ako ni Kihan. Si Fia.

"No need. Nageexercise ako" sagot ko saka binalik ang tingin sa dinadaanan ko.

"Hahaha. Nasan nga pala ang kotse mo? Bat ka naglalakad?"

"I sold it"

"Ha?? Bakit naman?? Ang ganda pa naman nun!" ano ba to, naniwala naman.

"Kit, malelate na ko. Let's go" nilingon ni Kihan si Fia saka binalik ang tingin sakin na tila nag-aapologize. I can't help but roll my eyes on him.

"See you later, Amarie. Hatid ko lang si Sophie" binigyan nya pa ko ng ngiti bago tinaas na ulit ang bintana ng kotse. Gusto kong magsmoke muna sa likod ng school kaso ni pambili ng stick wala ako. Sarap talaga tirisin nung devil na yun!

Buti na lang maaga kong pumasok dahil kung hindi, aabutin ako ng syam syam bago makarating sa room. Pagdating ko dun, konti palang ang kaklase ko na agad namang napatingin sakin pagpasok ko kaya pinili ko ang upuan sa may sulok saka yumukyok.

Bakit ba napakaboring ng school? Ilang minuto na rin akong nakayuko ng makarinig ng bulungan sa paligid. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya nag-angat ako ng ulo sa pag-aakalang si Shen na ang dumating pero hindi pala. I looked around and it seems that they're talking about us, especially the girls somehow giggling or something.

"Occupy a seat somewhere, Third. I want to be alone. Ayoko ng gulo" saka ako yumuko ulit sa desk. Walang gumalaw sa gilid ko kaya alam kong hindi sya umalis pero di naman sya kumikibo. "Hindi mo ba ko narinig?"

"Of course I heard you"

"Bat nandito ka pa?"

"We're free to choose our seats. Walang masama kung uupo ako dito"

"Tsk bahala ka" sagot ko na lang saka kinuha ang ipod sa bag ko at nagkabit ng headset. I don't want a long conversation with him.

Ikinagulat ko ng kunin ni Third ang isa saka sinalpak sa kaliwang tenga nya. Ayun na naman ang bulungan sa paligid because of that. Nakakainis sa totoo lang.

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon