Tame #41

3.9K 80 13
                                    

Starr

"Who are you?"

Tumayo ako ng makalapit sya sa swing. May nakakalokong ngiti sa labi nya habang confused akong nakatingin sa kanya. Hindi ko kasi sya kilala pero mukhang kilalang kilala nya ko.

"Oo nga pala. Where are my manners? Hahaha. I'm Hanna. It's been a long time. Ang sakit ba ng revenge ko?"

"Revenge? What are you talking about? I don't know you so can you just leave?"

"Are you sure na gusto mo kong paalisin? Hindi mo ba gustong marinig ang rason bakit ka nasa ganyang klaseng sitwasyon? Kung sabagay hindi ko din naman inakalang mafafall ka kay Red"

"Kilala mo sya? Sino ka ba talaga? Anong ginawa ko sayo?"

"I told you, I'm Hanna--"

"Cut the crap!"

"Okay okay. Masyado ka namang atat. Wanna know a secret? Ako ang naglagay ng recorder sa locker ni Red at Fia and randomly sa ibang lockers pero mas nauna nakita ng mga babaeng umaway sayo ang recorder so I guess, Red is keeping that recorder as a souvenir hahaha"

"W-What?"

"Ako rin ang nagtetext sa kanya anonymously that this certain girl named Starr broke his perfect relationship with Fia. Ako rin ang mysterious caller mo and ako rin ang kumuha ng rules sa bahay mo. Diba ang galing ko?" napakuyom ang kamao ko sa sinabi nya. "Matagal kong pinlano ang lahat ng to Starr" nawala ang ngiti nya at napalitan ng poot ang mga mata nya.

"You're sick"

"I told you. This is revenge. Seeing you fall into deep shit. Ang saya lang hahahaha"

"Did I steal your man? Kaya mo ba ginagawa to?"

Hindi nya ko sinagot and instead nakita kong ngumisi sya na parang may nakita syang nakatutuwang bagay. Binuksan nya ang clutch bag nya at may kinuhang papel dun. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Pamilyar sakin ang papel na yun at naconfirm ko yun ng basahin nya ng malakas ang rules sa harap ko.

"Ginawa mo tong rules na to diba when you and your ex boyfriend Kysler broke up? Kaya ka nga naging boyfriend stealer diba? Kasi gusto mong makaganti and when you had the chance, gusto mong makakuha ng perfect couple gaya nila Red and Fia at sirain sila without hesitation. You're abiding your rules perfectly, Starr. Bravo!"

Pumalakpak pa sya to make a dramatic scene. Wala akong nagawa kundi titigan lang sya. Napakagaling nyang magtagpi ng kwento base lang sa rules na yun na wala namang katotohanan.

"Starr's Special Rules. One. Subject must be in a relationship for more than two years. Two. He should be a loyal boyfriend. Three. A one woman man. Four. He knows the word love more than any other word. Five. There's never a number five. Six. He'll make me believe in destiny. Last. He can make me smile again"

"It can't be" mahina kong sabi.

I never took the chance to memorize my special rules since that day I wrote that. Kasi inisip ko na sa dami ng jerks sa mundo naming mga bitches, sumuko na kong makakita ng isang lalaking gaya ng nasa special rules. Ngayon ko lang narealize na nakita ko na pala sya. And because of that, gaya nga ng sinulat ko sa pinakababa ng papel na yun na hindi nya alam.

If that special subject exists, I will stop being a boyfriend stealer and lead a good life.

"Napakadetailed ng special rules mo, Starr. Diba akmang akma kay Red ang lahat ng to? Tama ako diba? Na si Red ang nasa special rules mo?"

Taming of a Starr - Book 1 (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon