Starr
"Class we are about to start the rehearsal proper. Is everybody here?"
"Miss S wala pa si Red!" nang marinig ko ang pangalang Red, on instinct na nagpalinga linga ang ulo ko para hanapin sya.
"Tsk tsk tsk. Kanina kahit ilang beses ka namin kausapin, binatukan ka na at lahat wala ka parin sa sarili. Pero nabanggit lang ang pangalan nya bigla kang natauhan dyan. Talaga naman!" napasampal pa sa noo si Shen habang napapailing.
"Masama ba?"
"Aba! At nagtanong ka pa talaga ha?? Nasaktan ka na at lahat ganyan pa din ang epekto nya sayo. Malala ka na nga"
Alam na nilang tatlo ang nangyari. Napag-usapan namin nun sa ospital ng dumalaw sila. Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan"
"Of course I understand you. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit nagpapakatanga ka sa kanya. Hello? Andaming lalaking nagmumukha na ding tanga kakahabol sayo"
"And who are those guys you're talking about? Wala akong makita"
"Pano nabulag ka na ng love na yan. Anong tawag mo kay Kitsuki? Ay nakoh. Parehas lang kayo eh nagpapakatanga sa taong di naman kayo mahal"
Oh crap! Si Kihan. Si Kihan nga pala! I totally forgot him and his feelings for me. Tapos sa kanya ko pa sinasabi kung gano ko kamahal si Jared. You're the worst! Ganyan ka na ba talaga kamanhid?!
"Isa pa yang plano mo na yan. I'm telling you masasaktan ka lang ulit nyan dahil sa parehong dahilan. Masokista ka ba o ano? I told you to think of it a million times para hindi ka masaktan. Not a million times to do the most stupid things. My God, Starr!" she looked so exaggerated explaining her side to me dito sa likod ng audience. She's more than fit to be my mom than the real one.
"Ang first scene pa naman for today will be Troy and Samantha. And where is Fia? Wala din??" natigil kami sa pag-uusap ni Shen ng muling magsalita si Miss S na nakatayo sa gitna ng stage. Lumingon lingon sya around us pero frustrated lang sya na binalik ang tingin sa hawak na manuscript.
"So wala din sya? Mga batang to! Bakit sa klase ko pa kayo mga nagpapasaway? So pano? Since wala pa si Red and Fia we don't have a choice kundi mag move on sa mga nandito. Starr? Kitsuki?" hinanap nya kami sa buong klase saka napatango ng makita kami on opposite sides. Magkahiwalay kasi kami.
"Alright good. Buti at nandito kayo. Dun muna tayo kay Liam and Sharlot okay? We don't have a choice. Sayang ang araw. We should be moving fast" di naiwasang magkatinginan kami ni Shen. Crap, akala ko hindi pa kami! Pano na?? Hindi ko pa nababasa yung script!
"Please come here onstage. Both of you" tumayo na lang ako at naglakad paakyat ng stage. Nakita kong ganun din si Kihan.
Inalalayan nya ko na umakyat ng stage at nakarinig pa kami na mahihinang kiligan sa paligid na inignore ko na lang. Pumwesto na kami ng magkaharap sa stage with Miss S in between. Nakatingin lang sakin ng deretso si Kihan. I can't tell what he's thinking right now. At...naasiwa ako. Si Shen naman kasi! She reminded me that this guy in front of me likes me or rather loves me. Hindi ko alam kung namula ba ko o ano kaya yumuko na lang ako. Aish! Ano ba, Starr! Practice to. At andaming nanonood kaya please lang!
"Eto muna ulit ang copy nyo ng script in case na hindi nyo pa kabisado. No musical yet for now. Just plain drama. You get me?" tumingin sya kay Kihan tapos sakin. We both nodded. Ngumiti sya samin saka bumaba ng stage at naupo sa pinakaharap ng audience. She will be our director. Nakakainis! Hindi pa naman ako prepared. Nasan na ba kasi yung dalawang yun??
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Teen FictionTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...