Red
Hindi naman ako pala absent kahit pa may mga times na natutulog ako sa klase kaya pumasok pa rin ako. Wala pa rin ako sa mood ng mag walk out ako kanina. Ano bang nangyayari kay Third recently? Bakit pagdating sa babaeng yun parang handa nyang kalimutan ang grupo? Hindi ko maintindihan. Even Uno. What is it about her that want them to protect her? Uno likes her, given na yun but Third? Malabo. Pero what if? What if gusto may gusto na rin sya dun kaya ganun sya ka apektado pagdating sa kanya?
Pagpasok ko ng room, agad hinanap ng mga mata ko ang babaeng dahilan ng lahat. Hindi ko sya agad nakita ng isang pasadahan lang kaya inikot ulit ng mata ko ang buong room at saka ko sya nakita sa gilid at nakayuko sa desk sleeping or not. Umupo ako directly sa likod nya habang nakatingin sa kanya.
Kung kay Fia lang umiikot ang mundo mo pwes ibahin mo ko. Hindi lang sayo umiikot ang mundo ko! Damn it!
Parang tukso naman na paulit-ulit nagrereplay sa utak ko ang sinabi nya kanina as I stare at her back. Alam ko naman na below the belt ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit ko nasabi ang bagay na yun. Kinlaro ko sa sarili ko that I said that because I'm protecting what I own. Not for any stupid reason. Kung hindi naman dahil sa pesteng Hapon na yun hindi ko naman masasabi yun.
Could it be that I am--No! No! No fucking way that its possible. I immediately dismissed the thought.
All throughout that lecture class, tinulugan lang ng bitch na to ang klase. Siguradong nag bar na naman to kagabi kaya antok na antok.
"Class dismissed!"
Hinintay ko munang makalabas ang mga kaklase ko bago ako tumayo pero hindi parin gising ang isang to. I'm having second thoughts na gisingin sya. Why should I? Diba galit sya sakin at ganun din ako sa kanya. Tumalikod na lang ako. Mas mabuti pa nga na ipahanda ko na ang expulsion papers nya.
"Jared"
Agad naman akong napahinto ng marinig ang pamilyar na boses na yun kahit and the fact that she's the only one calling me Jared. Lumingon ako sa kanya and I saw her with a serious but emotionless expression. Hindi naman na iba ang reaksyon nyang ganyan but I feel something in her way of looking at me.
"What?"
"Bring your car. Maghihintay ako sa front gate ng 6 pm"
"Use your own car. Anong ginagawa ng Aventador mo at kailangan mo pang makihitch sakin? Pulubi ka ba talaga?"
"Oo" hindi man lang sya nakipagsagutan sakin "Walang pera, walang kotse. Diba pulubi ang tawag dun?" walang bakas ng sarcasm sa boses nya. I can even sense a hint of bitterness sa paraan ng pagkakasabi nya or maybe I was just thinking things dahil mukhang di naman totoo.
"Pano kung ayoko? Bat ako susunod sa yo?" she gave me a blank expression na hindi ko inaasahan.
"Fine with me. But let me tell you that this will be the last thing I can do for you to win her back" saka sya naglakad palabas ng room without bothering to look back.
Dumaan ang maghapon na hindi ko na sya nakita. She skipped classes again at ewan kung saang lupalop na naman sya pumunta. Hindi ko rin kasi sya nakasalubong kahit saan. Even her friends nga din.
I glanced at my wristwatch and its only 5:30. Sabi nya na 6 pm sya mag-aantay sa front gate pero nagpasya na kong kunin ang kotse sa parking at hintayin na lang sya dun. Ano kayang pinaplano nya this time?
Nasa loob lang ako ng kotse at hinihintay na matanaw syang lumabas ng gate. About five minutes before 6, natanaw ko na syang palabas. Napaayos ako bigla sa pagkakaupo pero hindi sya nag-iisa. Kasama nya na naman yung Hapon na yun. Oh I remember na may date sila ngayon? So bakit pa nya ko pinaghihintay dito? Tsk.
BINABASA MO ANG
Taming of a Starr - Book 1 (FIN)
Novela JuvenilTaming of a Starr How to tame a cold-hearted bitch First installment of Taming Series Starr is an emotionless yet self-confessed bitch. She's only interested in jerks who takes their girlfriend for granted which she calls-subject. She might be a bit...