"Good morning mother earth!" masayang bungad ni Princess ng makita ang mukha ng kaibigan.
Niyakap agad niya si Quincy bago sulyapan ang kaibigan.
"Harley Quinn!" sabay na napalingon ang dalawa ng marinig ang boses ni Kyle sa di kalayuan.
Unang hinanap ng mata ng dalaga si Calvin na nasa tabi ng kakambal. Presko itong naglalakad habang humihikab pa. Nabaling ang kanyang paningin sa field kung nasaan tumatakbo ang buong team.
"Good morning." nakangiting bungad ni Calvin sa kanya.
"Good morning Harley Quinn." pag-uulit nito sa dalaga.
"Good morning guys." bati ni Princess na mabilis naman nilang nginitian.
"Mukhang ang aga ng training niyo ah." ani Princess habang pinagmamasdan si Cameron.
"Yeah, wala namang bago."
"Yung pinag-usapan nga pala natin kahapon, Quin." bulong ni Calvin ng maalala niya ang nagpag-usapan nilang dalawa.
Dahan-dahan nag-angat ng tingin si Quincy sa binata at dahan-dahang ngumiti.
"Hindi ko pa naman nalilimutan."
"Oy! Anong chika diyan? Pabulong!" nagulat ang dalawa ng bigla na lamang sumingit sa pagitan nila ang kakambal nitong si Calvin.
"Ang unfair niyo ah. Kayo lang nag ta-talk samantalang wala kaming kaalam-alam ni Princess." nakangusong dagdag pa nito habang ang paningin ay nagpapalit-palit kina Calvin at Quincy.
"Do you really need to know everything? You look like a woman, Kyle." bahagyang pinalo ni Calvin ang ulo nito bago muling tiningnan sina Quincy.
"Ok lang ba sayo kung sa bahay tayo?"
Umawang labi ni Quincy dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Calvin.
"Hey." natatawang hinawakan nito ang ulo ni Quincy ng mapansin natigilan ito sa kanyang sinabi. "It's okay if you don't want to go there, sa ibang lugar nalang."
Sasagot na sana ang dalaga ngunit naunahan na siya ng kaibigang si Princess.
"Ok lang sa kanya Cal. Medyo shy kasi ang prend ko kaya hindi maka-oo agad sayo."
"Princess!" suway sa kanya ni Quincy.
"Pwede ka ring sumama kung gusto mo." ani Calvin kay Princess.
"Sure, why not naman diba? Hindi naman ako gold para humindi hehehe."
"May date pala tayo kambal." tawang-tawa singit ni Kyle.
Napatigil sa pagtakbo si Cameron ng makita niya sa di kalayuan si Zanjoe. Masama ang tingin sa kanya nito.
"What time are we going to the cemetery later?" tanong ni JP ng tumabi rito.
Hindi siya sinagot nito kaya sinundan niya kung saan nakatingin ito. Tumaas ang kanyang kilay ng makita na papalapit sa kanilang tayo si Zonjoe. Kapwa masama ang tingin nila sa isa't-isa. Tumigil ito sa mismong harapan ni Cameron, natigil rin sina Dranreb sa pagtakbo ng makita ang binata. Mabilis na nagtakbuhan ang mga ito at tumigil sa likuran ni Cameron.
"What do you need?" walang ganang tanong ni Cameron ng hindi manlang magawang tanggalin ang tingin sa mga mata ni Zanjoe.
"Kailangan ba talagang may back-up ka?" nakakainsulto itong tumawa habang nakatingin kina JP.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...