Nakangiti habang pinagmamasdan ni Eliana ang buhat na buhat na anak. Matapos ang ilang araw na pananatili sa hospital ay pwe-pwede narin silang makauwi sa kanilang bahay.
"Wala pa ba si Joe anak?" tanong ng kanyang ina sa kanya.
"Hindi daw siya makakapunta, may kailangan daw siyang asikasuhin. I understand that he does a lot of school works." nakangiti namang sagot ng dalaga.
Bahagyang gumalaw si Ezequiel dahilan para lingunin niya ito. Hindi niya mapigilang ngumiti ng makita ang matamis na ngiti ng kanyang anak.
"That beautiful smile Ezequiel." malambing na bulong ni Eliana matapos halikan ang noo ng bata.
Bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at hindi niya inaasahang kung sino ang makikita niya. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Wh-at a-re y-ou doing he-re?" nauutal na tanong niya kay Cameron.
Sinara ni Cameron ang pintuan at dahan-dahan nag-lakad papalapit sa kanilang mag-ina. Umupo ito sa hospital saka tiningnan ang bata.
"Zanjoe begged me to come here and take you to your house." seryosong sagot nito at nanatili paring nakatingin sa sanggol.
"Okay lang naman kung ayaw mo pumunta dito, nandiyan sina Mom and Dad." nahihiya paring aniya.
"Can I hold him for a second?"
"Su-re."
Dahan-dahang tumayo si Eliana mula sa pagkakaupo sa hospital bed at maingat na ibinigay ang anak sa kanlungan ni Cameron. Ingat na ingat naman ang binata na niyapos ang sanggol at dahan-dahang tiningnan ang maamong mukha ni Ezequiel. Unti-unting umangat ang hintuturo ni Cameron para hagurin ang pisngi ng bata, muli itong ngumiti dahilan para mahawa siya rito.
"He's so handsome."
"Ikaw kasi ang pinaglihian ko." biro niya at natawa naman ang binata.
"Alam ba ni Quincy na nandidito ka?" pagbabasag ni Eliana sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.
"No, hindi naman siya magagalit kahit hindi ko sabihin sa kanya."
"Sabihin mo parin."
"Hmm."
Napatingin ang dalawa ng magbukas muli ang pintuan. Sabay na pumasok ang mag-asawa at natigilan ito ng makitang buhat-buhat ni Cameron ang kanilang apo.
"Everything is okay. Can we go home now?" nakangiting tanong ng ina ni Eliana.
"Yes Mom."
Maingat na tumayo sa pagkakaupo ang binata at imbes na ibigay niya ang sanggol kay Eliana, binuhat niya ito gamit ang kaliwang kamay at ang isa naman ay kinuha ang gamit ng bata.
"Ako na magdadala ng gamit ni Baby. Baka nahihirapan ka."
"It's okay. Bawal sayo ang magbuhat ng mabibigat na bagay. I can handle it Eliana." tugon ni Cameron bago mag-umpisang mag-lakad papalabas ng kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/278886914-288-k839953.jpg)
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
Ficción GeneralDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...