Tumigil ang kotse nina Calvin sa malawak na open area at nasa hindi kalayuan ang private jet na pagmamay-ari ng pamilya ni Atticus. Iyon ang kanilang sasakyan patungong France para sa nalalapit na kasal nina Xavia at Atticus.
"Wow! Pagmamay-ari nila Kuya Atticus yan diba?" namamanghang tinuro ni Princess ang luxury private jet na iyon.
"Nasaan sina Kuya Atticus?" takang-taka tanong naman ni Dranreb habang iniikot ang tingin sa malawak na lugar na iyon.
Bumaba ng hagdanan si Atticus at napatingin siya sa magkakaibigan. Ngumiti ito at dahan-dahang naglakad papalapit sa kanila habang nasa likuran nito ang kanyang kasintahan.
"Are you ready for our trip to France?" nakangiting tanong nito habang pinagmamasdan ang bawat isa sa kanila.
"Ready na ready na Kuya Atticus." magiliw na sagot ni Kyle.
"That's good."
"Hi Ate Xavia." bati ni Princess sa dalaga habang kumaway-kaway pa.
Tumugon naman ito at ngumiti rin sa kanya.
"Where are the others?"
"Papunta na sila."
"Are you excited Baby?" nakangiting tanong ni Cameron ng makapasok sila sa kotse.
"Hmm, ito palang ang unang beses kung makakapunta sa ibang bansa." nakangiting tugon ni Quincy.
Ngumiti ang binata at hindi narin nagtagal pa sa lugar na iyon. Habang nasa biyahe, nagkasabay pa ang kotse nina Cameron at Javion. Bumusina ang binata at tumunog naman ang kanyang pinsan. Kumaway-kaway pa si Cameron ng makita ang magulang ng binata.
"VIP talaga ang dalawang to." nakangising bulong ni Matthew ng makita ang dalawang kotseng papalapit sa kanila.
"Wala namang pinagbago sa mga yan. Pag-importante masyado." nakangiwing sabi naman ni Race.
"Bestie!" excited na nagtatatakbo si Princess papalapit sa kaibigan ng makalabas ito sa loob ng kotse.
"Excited ka na bang pumunta sa France?"
"Excited." masayang sagot nito.
"Makikita mo na ang eiffel tower. Diba gustong-gusto mo'ng makita yun sa personal?"
Tumango-tango ang dalaga bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Ngumiti naman si Cameron at tiningnan ang private jet.
"Good morning Tito Dalbert." bati ni Calvin sa ama ni Javion ng makalabas narin ito ng kotse. "Long time no see Tita Rosanna."
Dahan-dahan ngumiti si Rosanna at pinagmasdan ang lahat ng taong nasa kanyang harapan. Kay tagal niya ring hindi nakita ang mga ito dahil hindi naman sila sa kanilang pamamahay.
"Magandang umaga mga ijo. Kay tagal ko kayong hindi nakita." nakangiting sambit nito.
"Okay lang po Tita Rosanna, gwapo parin naman po kami." abot-tengang ani Kyle.
Umiikot-ikot ang mga nina Javion at hindi na pinansin pa si Kyle.
"You are already here." wika ni Atticus.
Lumapit ang dalawa ni Xavia sa mga magulang ni Javion para bumati sa mga ito.
"Paano? Wala na naman tayong hinihintay, pwede na tayong umalis."
"Sige na Kuya Atticus, arat na. Kating-kati na kamay ko humawak ng damo ng France." wika ni Kyle at nauna pang lumakad patungo sa private jet.
YOU ARE READING
Loving You Is A Losing Game
General FictionDifferent person but the same affection Opposite identity but the same affinity A kind of person with a different lifestyle and beliefs in life and a woman who has a peaceful world. Cameron is his name, the most annoying man in the entire universe...